293 total views
Hayaan na lamang ang publiko na maghusga sa mga ginagawang paglapastangan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahan at higit sa lahat sa ngalan ng Panginoon.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, hindi na dapat pansinin ang mga batikos ni Pangulo bagama’t hindi rin siya sumasang-ayon sa mababang pamantayan na ipinapakita nito sa publiko.
“We refused to be provoked, we shall ignore him. We decline to honor him by lowering to his standard and let the people be our judge against his attacks,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Bagaforo.
Nilinaw naman ng Obispo na walang galit ang Simbahan sa Pangulo at karapatan nito na magsalita ng kanyang mga opinyon.
“No we are not (angry). He is entitled to his own opinion. He has all the rights to think and say anything at his own level of knowledge,” ayon pa sa Obispo.
Hiniling naman ng Obispo sa mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang ating Pangulo sa kabila ng kanyang mga batikos sa pananampalatayang Katoliko.
Una na ring kinuwestyon ng pangulo ang karunungan ng Diyos at tinawag din itong ‘stupido’ hinggil na rin sa pagkakaroon ng kasalanang mana na mula pa kina Adan at Eba.
Sa isang mensahe ni Pope Francis patuloy na paalala niya sa bawat mananampalataya na ang pagpapatawad ay nakakapagpanibago ng kasamaan tungo sa kabutihan sa halip suklian ng pagganti o kasamaan.
Sa datos mula sa kabuuang 100 milyong populasyon ng bansa, 86 na porsiyento o 86 na milyon ang bilang ng mga katoliko sa bansa.