278 total views
June 9, 2020, 6:04AM
Mariing kinundina ng NASSA/Caritas Philippines ang panukalang Anti-Terror Act of 2020 na isinusulong ng mga mambabatas.
Nasasaad sa opisyal na pahayag na nilagdaan ni NASSA/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi katanggap-tanggap, kawalang katarungan at paglabag sa Saligang Batas ang Anti-Terror Act of 2020 na tanging lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kinakailangan bago tuluyang maging isang batas.
Dahil dito, binigyang diin ng NASSA/Caritas Philippines ang kahalagahan na manindigan ang mamamayan laban sa mapang-abusong panukalang batas na maaaring maging mitsa ng ganap na pag-iral ng tyranny at totalitarianism.
Pinuna at kinundina rin ng NASSA/Caritas Philippines ang pagsasantabi ng naturang panukalang batas sa demokrasya ng bansa upang masunod at mapagbigyan ang interest ng iilan kabilang na ang Pangulong Duterte.
“We at NASSA/Caritas Philippines condemn in the strongest terms, the blatant maneuvering of the legislative processes and the rule of law to suppress legitimate dissent, and to criminalize or to arbitrarily brand as terrorists those who are perceived to be opposing the administration. We denounce the obvious circumvention of the democratic processes just to obey and please the self-interests of the legislators and the autocratic rule of the president.” pahayag ng NASSA/Caritas Philippines.
Iginiit ng NASSA/Caritas Philippines na ang panukalang batas ay taliwas at lumalabag sa karapatan ng bawat mamamayang Filipino at isang pagkutya sa Saligang Batas.
“The anti-terror bill violates the rights of our people and makes a mockery of our Constitution.” Dagdag pa ng NASSA/Caritas Philippines.
Umaasa naman ang NASSA/Caritas Philippines sa paninindigan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ng pagiging patas at tapat sa Saligang Batas ng Pilipinas bilang sandigan ng demokrasya ng bansa ang kataas-taasang hukuman ang usapin.
“It is our prayer that once the constitutionality of this bill is brought to the attention of the Supreme Court, our honorable justices will exhibit sense of fairness, impartiality and trustworthiness. They must live up to their being the last pillars of democracy and rule of law in our country.”panalangin ng NASSA/Caritas Philippines.
Naunang umapela si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-veto at baguhin ang ilang probisyon sa Anti-Terror Act of 2020 na makalalabag sa karapatang pantao at karapatan sa pagpapahayag.