181 total views
Tiniyak ni Davao Archbishop Romulo Valles na nakikiisa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na 4th World Apostolic Congress on Mercy (WACOM4) na nagsimula Enero a-16 hanggang a-20.
Ito ay sa kabila nang hindi nakadalo ang Pangulong Duterte sa ginanap na opening mass sa Manila Cathedral.
Ayon kay Archbishop Valles, ikinalulugod ng Pangulo na siya ay kasama sa panalangin ng lalo sa hangarin ng kanyang administrasyon na maitaguyod ang sambayanang Pilipino.
“I think he would be very happy that people are praying, I think he is not against that we would come together and pray. And surely we will pray for him and for the many concerns of the government people, we will pray for them. I am sure he knows what we are doing, he would be very appreciative,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles sa panayam ng Radyo Veritas.
Sinabi pa ng Arsobispo na alam ng pangulo ang isinasagawang WACOM 4 sa ating bansa at kanya itong ipinagpapasalamat.
Naniniwala rin ang Archbishop Valles na may malalim rin namang pagkilala si Pangulong Duterte sa Diyos.
“I believe that he has a deep sense of what the Lord is telling him or guiding him to do. Because for example this presidency I’ve heard him saying that this is God’s hand,” giit pa ni Archbishop Valles sa Radyo Veritas.
Ikinatuwa naman ni Archbishop Valles sang impormasyon na inilabas ni WACOM –Asia Secreatary General Rev. Fr. Prospero Tenorio na mga Davaoenios ang pinakamalaking bilang ng delegado na nakiisa sa WACOM 4 na umabot sa mahigit 300 kinatawan mula sa Archdiocese of Davao.
Patunay lamang aniya ito ng malalim na debosyon ng mga taga-Davao sa Divine Mercy at ang buhay na pagmimisyon ng awa at habag ng Diyos sa rehiyon ng Mindanao.
“I am very happy to get that information that the Archdiocese of Davao has sent more than 300 delegates so far the highest number of delegation. But I’am not that surprise because the Divine Mercy apostolate in Davao is very, very alive and very active. Their presence is very much felt by people cutting across different levels of society is a good mix,” giit pa ni Archbishop Valles sa Veritas Patrol.
Sa ulat ng WACOM4 secretariat, may higit sa tatlong libo ang mga dumalong kinatawan mula sa 60 diyosesis sa Pilipinas at mga kinatawan mula 40 bansa, bagama’t inaasahan pa ang patuloy na pagdating ng mga delegado para sa nalalabing 3 araw ng pagtitipon.