180 total views
Pinuri ng isang Opisyal ng Simbahan ang pagbibigay pagkilala ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Overseas Filipino Worker sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, bilang Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ay nagpapasalamat siya sa pagbibigay ng pansin ng Pangulo sa malaking bahagi ng mga O-F-W sa ekonomiya ng bansa.
“As CBCP ECMI chair and on behalf of our OFWs, I am thankful to President for mentioning our beloved OFWs as he appreciates their Sacrifices and Services for their loved ones, Contribution for betterment of our Economy,” ayon kay Bishop Santos.
Umaasa din si Bishop Santos na patuloy na itataguyod ng Pangulo ang kaligtasan ng mga Filipino worker laban sa kanilang mga Abusadong Employers.
“He also mentioned the Resiliency of OFW’s which is Very admirable, Which amidst separation and hardship they still persevere with their works, Working with honesty and with caring dedication. And it is Commendable that he promise to fight and work against their Abusive Employers,” dagdag pa ng Obispo.
Sa tala, may higit sa 10 milyon ang bilang ng mga manggagawang Filipino na nasa iba’t-ibang bahagi ng Bansa kung saan tinatayang higit sa $20-bilyong dolyar kada taon ang naipapasok na remittances.
Bukod sa nagiging tulong sa Ekonomiya ng bansa, kinikilala rin ng simbahan ang pagiging Misyonero ng mga Filipino sa ibayong dagat na tangan ang kanilang pananampalataya at mayamang kultura ng Bansa.