226 total views
Bawat Santo ng Simbahan ay may nakaraan subalit nagsumikap na sumunod sa turo ni Hesus at makapagbigay aral sa mga nananalig sa Diyos.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ang mga Santo at Banal ay naging saksi sa pagpapala ng Diyos na nagbibigay ng aral sa mga mananampalataya sa kanilang naging pamumuhay sa mundo.
“The Saints are Saints. The Saints are giving a life to witness and maybe ang hindi nagbigay ng magandang aral ‘yan ang baliw,” ayon kay Archbishop Jumoad.
Ang mensahe ay kaugnay na rin sa pamumula ng Pangulo sa pagdiriwang ng mga Katoliko ng All Saints at All Souls Day.
Sa pahayag ng Pangulong Duterte sa isang Command Conference sa Isabela tinawag nitong mga lasenggo at baliw ang mga Santo ng mga Katoliko.
Sa panig naman ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na sapat na para ipagdasal ang Pangulo Rodrigo Duterte at ang sambayanang Filipino mula sa pagkakahati-hati.
“We want a Filipino united Filipino ‘yun differences in religion mahalaga lang yung respeto sa isat-isa yung ganun. We don’t want to fight one another,” paliwanag pa ng Obispo.
Ikinalulungkot naman ng Obispo ang pagtawa ng ilan sa mga ganitong uri ng pagbibiro ng Pangulong Duterte, lalu’t ang mga nakapaligid ay pawang mga Kristiyano.
“They don’t see anything offensive about it. Yun ang nakakalungkot tumawa sila. Hindi sila naiiyak dun sa hindi tama. Parang kahit mali, I think that is even worst. You seem to agree. Even if you know deep inside you na hindi naman tama ang sinasabi,” ayon pa kay Bishop Mallari.
Una na ring na ring nanawagan si CBCP vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ipanalangin ang Pangulo at ang sambayanan lalu’t sa katuruan ng simbahan ay maging mapagmalakasakit sa mga may karamdaman.
Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ni Cebu Archbishop Jose Palma na hindi isang eksperto o teologo ang Pangulo Duterte para magbigay ng kahulugan sa doktrina ng Simbahan.