198 total views
Dalawang beses na inaresto at nakulong ang aktibista at martial law victim na si dating Commission on Human Rights Loretta Ann Rosales.
Ayon pa kay Rosales, isa siya sa katibayan nang pag-iral ng batas militar sa panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Iginiit ni Rosales hindi rin totoo na gumanda ang ekonomiya ng bansa sa panahon ni Marcos sa halip ay bumagsak pa ang ekonomiya ng bansa.
“This is a global effort ang tawag nga noon ‘debt driven, export oriented, import dependent development paradigm that was what was imposed. Marcos you know absorbed this hook line… and that was the time we got into debt 600 million dollars ang utang nung panahon ng Marcos. When he left it was already 27 to 28 billion dollars kaya tayo nalubog nang nalubog sa utang,” ayon kay Rosales.
Panawagan pa ni Rosales sa mga kabataan na dapat nilang maintindihan na hindi lamang nangutang ng salapi si Marcos para tumulong sa ekonomiya ng Pilipinas kundi para sa sarili niyang interes at mga kaalyado o tinatawag na behest loans.
Hindi rin makapaniwala si Rosales sa mga pahayag ni dating Senate president Juan Ponce Enrile na walang inaresto at pinaslang noong Martial law.
Si Enrile na nagsilbi bilang dating defense minister sa ilalim ng Marcos administration na kumalas kasama si dating General Fidel V. Ramos na siyang naging simula ng People Power.
“I could not believe how could former senator Enrile could actually, totally go against what he had said earlier before and even go against their own behavior where they asked for help from Cardinal Sin to save them from Marcos and General Ver who were about to arrest them during that time,” ayon kay Rosales sa panayam ng Radio Veritas.
Pinaalalahanan naman ni Senator Aquilino Pimentel III ang mga guro na kabilang sa kanilang responsibilidad na ituro sa kabataan ang kasaysayan ng bansa maging ang masamang karanasan hinggil sa pag-iral ng martial law.
Dagdag pa ng mambabatas, ang kaniyang ama na si dating Senate President Aquilino Pimentel Jr. ay inaresto at apat na beses na nakulong noong batas militar.