1,210 total views
Dismayado ang Alyansa Tigil Mina sa unang taon mula nang maupo bilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon sa ATM, isang taon pa lamang sa termino ang pangulo ngunit makikitang nananatili pa rin ang ilegal na operasyon ng pagmimina sa bansa na patuloy na lumalabag sa mga batas at nakakaapekto sa buhay ng mga tao.
“Alyansa Tigil Mina is dismayed at the aggressive revitalization of the mining industry in the midst of mounting resistance by mining-affected communities such are the cases in Sibuyan Island, Romblon; in Brooke’s Pt., Palawan and in Sta. Catalina, Negros Oriental.” pahayag ng ATM.
Iginiit ng grupo na hindi makatarungang ipagpatuloy ng Administrasyong Marcos at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang polisiya sa pagmimina ng nakaraang administrasyon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y sa halip na bawiin ang Executive Order 130 at muling ipatupad ang pagbabawal sa pagmimina sa buong bansa sa kabila ng iba’t ibang paglabag ng mga malalaking kumpanya sa mga umiiral na batas pangkalikasan.
“Mining is heavily promoted and justified by government despite its destructive impacts on the environment and communities. We are keenly aware that mining companies owned by members of Congress or those with close links to elected officials are aggressively entering communities despite the lack of consultations or consent from local authorities.” giit ng grupo.
Nananatili naman ang paninindigan at pagsuporta ng Alyansa Tigil Mina para sa mga apektadong pamayanan at lokal na pamahalaan upang tuluyang maipatigil ang ilegal na pagmimina sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Gayundin ang patuloy na pagsusulong na mapawalang-bisa ang Republic Act 7942 o ang Mining Act of the Philippines, at paglikha ng bagong batas sa pagmimina na mas magbibigay ng katarungan sa kalikasan at kapakanan ng bawat mamamayan.
Batay sa huling tala ng Mines and Geosciences Bureau, aabot sa 49 minahan ang kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nakasaad naman sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mariin nitong pagtutol sa industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at pahihirap sa mga apektadong pamayanan