1,353 total views
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panunumpa ng 77 mga bagong Armed Forces of the Philippines Generals at Flag Officers sa Malacañang.
Mensahe ng Punong Ehekutibo na nawa ay ipagpatuloy ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang pagsisilbi sa publiko at pangangalaga sa kapayaan ng Pilipinas
“We, therefore, have to be more agile in our responses not only in diplomacy, geo-political negotiations, and in our partnerships that we foster with our friends and allies around the world,” ayon sa mensahe ng Pangulo.
Nagpapasalamat din si AFP Chief of Staff General Andres Sentino sa mga bagong talagang opisyal sa kanilang pagseserbisyo.
Sa isinagawang oathtaking noon February 06 ay 7 sa hanay ang nakatanggap ng three stars rank, 17 naman ang two stars rank, at 53 naman ang 1-star rank.
Patuloy naman ang pagkilala ng Military Ordinariate of the Philippines sa kabayanihan at paglilingkod ng sandatang lakas ng Pilipinas upang mapanatili ang kapayapaan sa sa bansa.