163 total views
Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bawat isa, mga binyagang Layko; inordinahang Pari at nagtalaga ng kanilang sarili sa Panginoon na pangunahan ang paglilingkod at pakikipagkasundo sa kapwa.
Ito ang pagninilay ni Cardinal Tagle sa ginanap na Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa Paco, Catholic School sa Manila.
Naging paksa ni Cardinal Tagle ang ‘Ordered one another (LG10): Communion on service and gifts’ kung saan inilahad ito sa tatlong punto.
Una ayon kay Cardinal Tagle, ang pag-unawa sa pagkakaiba, at hindi pag-iisantabi sa halip ay pagbubuklod sa kabila ng pagkakaiba.
“Communion gives you identity. Pag-inalis ang ugnayan iba na. Dahil wala nang ugnayan. The relationship is possible because of difference, dahil sa ugnayan. The relationship guaranties and respect the differences,” ayon kay Cardinal Tagle.
Ikalawa, inihayag ni Cardinal Tagle ang pakikibahagi ng bawat isa sa pagiging pari ni Kristo na naipapakita sa dalawang paraan – ang pagtalima sa Diyos Ama at malasakit o pakikiisa sa kapwa sa anumang larangan tayo ay nakapaloob.
At ang ikatlo, ang paghikayat sa bawat isa sa pagpapalalim ng ating pananampalataya sa Panginoon, o ang pagiging magka-ugnay sa kabila ng pagkakaiba ng gawain, maging ito man ay layko, pari o consecrated person.
“They are related to each other; or they are directed to each other; or focus on each other not on selves. They draw the priesthood of the other, encourage each other to live the priesthood of Christ. Priesthood not for ourselves but for the growth of lay, and lay can evoke to us by our ministerial priesthood. Evoke each other from holiness,” ayon pa kay Cardinal Tagle.
Ito ang kauna-unahang MAGPAS sa taong 2018 na karaniwang ginawa anim na beses kada taon o tuwing makalawang buwan sa unang araw ng Sabado, kabilang na dito ang Philippine Conference on the New Evangelization na ginaganap tuwing buwan ng Hulyo.
Kabilang din sa dumalo sa pagtitipon sina Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity; Fr. Jason Laguerta, Executive Director ng Office of the Promotion of the New Evangelization at mga kinatawan ng mga parokya mula sa Archdiocese of Manila.