9,520 total views
Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panunutok ng baril sa mga kawani ng Chinese Coastguard (CCG) at inaakusahang kumumpiska sa mga suplay na ipinadala sa mga crew ng BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.
Nanindigan ang A-F-P na kumikilos ito ng may disiplina at patuloy na pinaiiral ng mga sundalo ang pagiging propesyunal para maiwasan ang anumang kaguluhan sa WPS.
“The Armed Forces of the Philippines denies the reported allegations of gun-pointing by our troops stationed in BRP Sierra Madre (LS57) in Ayungin shoal to China Coast Guard (CCG) personnel, our personnel are governed by the Rules of Engagement (ROE) and clearly acted with the highest level of professionalism, restraint, and discipline in the performance of their mission to safeguard our sovereignty and sovereign rights,” ayon sa ipinadalang mensahe ng AFP sa Radio Veritas.
Nilinaw naman ng A-F-P na ang China Coastguard ang nagsimula ng tensyon matapos lumapit sa BRP Sierra Madre nang walang pahintulot na isang paglabag sa distance protocol ng mga sasakyang pandagat sa WPS.
Kinundena naman ni Rafaela David ng Atin Ito Movement ang patuloy na harassment,pagkumpiska ng CCG sa ipinadalang food supply at pagharang sa medical aid para sa mga sundalong Pilipino.
“We vehemently condemn the despicable actions of the Chinese Coast Guard! Their behavior reeks of piracy, not diplomacy. By plundering food supplies meant for our brave frontliners and blocking medical aid, China reveals its disdain for human rights and dignity. This isn’t about peace; it’s about power and dominance,” ayon sa mensahe ni David na ipindala ng Atin Ito Movement sa Radio Veritas.
Nakikiisa naman si Running Priest Father Robert Reyes katuwang ang simbahang katolika sa Pilipinas sa paninindigan at pagkilos para sa inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.
Naunang inilunsad ni Fr.Reyes ang ‘Bandila at Kandila para sa Soberanya at Kapayapaan’ kung saan inaanyayahan ang mga mananampalataya na magsabit ng bandila ng Pilipinas sa tahanan at magsindi ng kandila tuwing ika-anim ng gabi upang ipanalangin ang pagtigil ng China sa pang-aangkin sa West Philippine Sea.