207 total views
Ipinagkibit balikat lamang ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pinakahuling ‘pasaring’ ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kaniya at sa Simbahan.
Ayon kay Bishop David, nalilito lamang ang Pangulo nang tukuyin nito na ninanakawan at pinagkakakitaan niya ang mga donasyon ng mga mananampalataya.
Sa ginanap na paglulunsad ng Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite pinaratangan ng Pangulong Duterte at tinukoy si Bishop David na ginagamit sa kaniyang pamilya ang mga donasyon na para sa simbahan.
Sa facebook post ni Bishop David, sinabi nitong maaring nalilito lamang ang Pangulo at maaring napagkamalan siya sa ibang tao.
Ayon kay Bishop David, ang mga taong may sakit ay hindi alam ang mga pinagsasabi.
“I am the only Bishop ‘David’ in the CBCP. I think he has confused me for someone else. You see, people who are sick sometimes do not know what they are talking about, so we should just bear with them,” ayon kay Bishop David.
Iginiit ng Obispo na hindi siya tinuruan ng kanyang mga magulang para magnakaw.
“My parents never taught me to steal.” Pahayag ni Bishop David.
Unang nanawagan ng pananalangin ang obispo para kay Pangulong Duterte.
Read: Ipagdasal ang bansang Pilipinas at ang Pangulong Rodrigo Duterte
Hindi ito ang unang pagkakataon na kinutya ng Pangulo ang simbahang katolika at mga lingkod ng simbahan na kamakailan lamang ay umani rin ang batikos ang Pangulong Duterte sa kaniyang pahayag na ‘God is Stupid’.