235 total views
Ito ang pagninilay ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Pangulo ng Radio Veritas sa Biyernes Santo kung saan inialay ni Hesus ang sariling buhay para sa katubusan ng sangkatauhan mula sa kasalanan.
Aniya, nawa’y maging daluyan ang bawat isa ng dakilang habag, awa at paglilingkod sa kapwa upang maramdaman ng mananampalataya ang dakilang pag-ibig ng Diyos Ama sa pamamagitan ng pag-alay ng kanyang bugtong na Anak.
“Transform me now into Your channel of mercy and service, that it is no longer I who live but You who live in me,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Pascual.
Hinimok ni Fr. Pascual ang mananampalataya na sa pagtatanghal ng Krus ma Banal tuwing ikatlo ng hapon ng Biyernes Santo ay makiisa sa paghihirap at kamatayan ni Hesukristo na nakabayubay sa krus at pagnilayan ang mga sakripisyo alang-alang sa sanlibutan.
“Today’s church service starts at 3 PM, the hour Jesus died. Let us be with Him at His last hour. Let us watch Him love us to death. Let us hear Him pray, “Father, forgive them for they know not what they do,” pagpapatuloy ni Fr. Pascual.
Nagpasalamat ang pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila sa Panginoong Hesukristo dahil buong puso at bukas-palad na niyakap ang pagpapakasakit, paghihirap hanggang ang kamatayan para sa ikatutubos ng sangkatauhan.
Hamon ni Fr. Pascual sa mananampalataya na sa paghalik sa Banal na Krus ay alalahanin at unawain nawa ng bawat isa na ito ay tanda ng pasasalamat at katapatan ng tao sa Panginoon.
“At the Kissing of the Cross, let us assure Him we are not kissing like Judas, that from now on we will be faithful to Him,” dagdag pa ni Fr. Pascual.