42,001 total views
Iminungkahi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang pansamantalang pagpapahinto ng paniningil ng PhilHealth premium contributions sa lahat ng mga minimum wage earners, kasama na ang mga self-employed.
Ayon sa House Resolution 1595, sinabi ni Quimbo na dapat gamitin ang mga hindi nagamit na alokasyon sa PhilHealth sa premium subsidy, upang makatulong sa mga manggagawa.
āThis temporary suspension is not just about providing short-term economic relief but also about initiating a comprehensive review of PhilHealthās benefits and contribution structure. The goal is to expand health benefits for all members and potentially reform the contribution structure, or even to possibly eliminate premiums for minimum wage earners and self-employed individuals earning the equivalent of minimum wages.ā ayon kay Quimbo.
Noong 2022, naglaan ang Kongreso sa Philhealth ng 80 billion pesos bilang subsidy sa mga mahihirap na pamilya, senior citizen at persons with disabilities na ayon na rin sa ahensya ay hindi nagamit ang 24 billion pesos sa pondo.
Gayundin sa nakalipas na taon na pinaglaanan ng 79 billion pesos, kung saan may nalalabi pang 39 billion pesos.
Paliwanag ni Quimbo, kayang tustusan ng hindi nagamit na pondo ang premium contributions ng minimum wage earners sa loob ng isang taon nang hindi nakokompromiso ang financial stability ng PhilHealth lalo’t noong 2022 ay 19.6 billion pesos lamang ang premium contribution.
Inaasahan ding aabot sa P463 billion pesos o pagtaas ng 68 percent ang financial reserve ng Philhealth mula sa nakalipas na taon, bukod sa masisingil sa mga miyembro at pondong inilagak ng Kongreso na hindi pa nagagastos.