31,078 total views
Pinaigting ng mga manggagawang kababaihan ang apela sa pantay na suweldo at wastong benepisyo sa kanilang trabaho.
Sa paggunita ng International Women’s Month, nanawagan ang Women Workers United (WWU) sa mga mambabatas at pamahalaan na ipatupad ang mga batas at polisiya na mangangalaga sa kapakanan ng mga babaeng manggagawa.
Apela ng grupo sa pamahalaan na pagtuunan ang pagbibigay proteksyon sa mga kababaihan na kadalasang nakakaranas ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso katulad ng rape at gender based violence on workplace.
“The multitude of issues faced by women workers must urgently be addressed by the government, as the ultimate duty bearer in ensuring that fundamental rights and liberties are protected and enjoyed by all Filipinos. Women workers assert that the Marcos Jr. administration must pour its efforts and the people’s resources towards addressing the struggles of women workers, especially so as we commemorate the International Working Women’s Day this month,” ayon sa mensahe ng WWU na ipinadala sa Radio Veritas.
Sa datos ng International Trade Union Congress (ITUC), 35% ng mga kababaihan sa buong mundo ang nakakaranas ng sexual at physical abuse sa trabaho.
Sa Pilipinas, 40 hanggang 50-porsiyento ng mga kababaihang manggagawa ang nakakaranas ng pang-aabusong sekswal at pisikal.
“We call for the urgent enactment of a significant wage hike that will bring workers’ daily basic pay closer to the family living wage. Similarly, we demand that the Philippine government implement mechanisms to enable the full realization of the ILO Violence and Harassment Convention or C190, which it ratified in December 2023,” ayon pa sa mensahe ng WWU.
Nabatid sa datos ng United Nations Entity for Gender Equality and the Empowerment of Women, sa kada isang dolyar na kinikita ng mga kalalakihan sa buong mundo ay mas mababa ng hanggang 77-sentimo ang kita ng mga kababaihan.
Sa Philippine Peso, sa kada 57-pisong suweldo ng mga kalalakihan ay 43-piso lamang ang kinikita ng mga kababaihan sa kanilang mga trabaho.
Patuloy naman ang pakikiisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Women sa pagsusulong ng ikakabuti ng kalagayan ng mga kababaihang manggagawa.