5,145 total views
Isinusulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Women ang karapatan ng kababaihan upang matanggap ang pantay na sahod at benepisyo.
Ito ang panawagan ni Marichi De Mesa – Executive Secretary ng CBCP Office on Women sa paggunita sa September 18 ng International Day of Equal Pay.
Ayon kay De Mesa, napapanahon at alinsunod sa mga katuruan ng simbahang katolika ang pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihang manggagawa.
Sinabi ni De Mesa na nakasaad sa Compendium on the Social Doctrine of the Church numbers 301 at 302, nararapat matanggap ng sinumang manggagawa ang suweldong katumbas ng kanilang pinaghirapan sa pagtatrabaho.
“On the occasion of the upcoming International Equal Pay Day, the Office on Women (CBCP) hereby manifests its support for the efforts of all women all over the world towards getting equal pay for work of equal value, In many places all over the world, it is a sad reality that there still exists a gender pay gap where women in the workplace receive less pay than men for the same value of work,” ayon sa mensaheng ipinadala ni De Mesa sa Radio Veritas.
Binigyan diin ng Opisyal ng CBCP Office on Women na maituturing na banta para sa mga babae ang hindi pantay na suweldo dahil malinaw itong diskriminasyon sa mga kababaihang hindi lamang manggagawa kungdi ilaw ng tahanan.
Sa modernong panahon kung saan marami ang parehong ama at ina ang nagtataguyod ng pamilya, napakahalaga ng kitang ipinapasok ng mga ina sa kanilang mga tahanan upang masuportahan ang kanilang pamilya.
“Moreover, there are roles in a family specific to a woman, as a wife and a mother. These are tasks and duties only a woman can or most effectively fulfill in the family. She must be encouraged to fulfil these roles (such as giving birth to her children, nurturing them or loving her husband) without the threat of diminishing her right to equal pay for work of equal value. Denying a woman this right, not only discriminates against her inherent worth and dignity as a woman in the workplace, it threatens her effectiveness as a woman in the home.,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni De Mesa sa Radio Veritas.
Ayon sa mga pag-aaral ng International Labor Organization, sa bawat dolyar na katumbas ng 56-pesos na kita ng mga kalalakihan, umaabot lamang sa 32-piso ang kita ng mga kababaihan sa maraming bansa.
Ang International Day of Equal Pay ay ginugunita sa buong mundo upang palakasi ang mga panawagan na maging patay ang suweldong natatanggap ng mga kababaihang manggagawa kumpara sa mga kalalakihang manggagawa.
Una naring kinilala ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang kahalagahan ng mga tungkulin at gampanin ng mga kababainhang manggawa sa pagtataguyod ng ekonomiya at lipunan.