3,840 total views
Sa pagsisimula ng deliberasyon ng Mababang Kapulungan sa 2024 proposed national budget, tiniyak ng liderato ng Kamara ang ibayong pagsusuri sa 5.768-trillion pesos budget para sa kapakinabangan ng mga Filipino.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, titiyakin ng kamara na ang bawat sentimo ng pambansang budget ay mailalaan at gagamitin ng wasto.
Sinabi pa ni Romualdez na tungkulin ng 312 mga mambabatas na ang buwis ng bayan ay magagamit sa tama, nararapat at paglilingkod mula sa pamahalaan.
“With utmost diligence, we will ensure that every centavo of the proposed P5.768 trillion budget will be judiciously spent.” ayon kay Romualdez.
Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin ng pagbubukas ng kongreso sa deliberasyon at pagsusuri sa 2024 national budget makaraan na ring isumite ng economic team ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang pondo para sa susunod na taon.
Tiniyak din ni Romualdez ang pagtutok ng Mababang Kapulungan sa national budget at mapagtibay hanggang sa Oktubre ng kasalukuyang taon.
“I call upon the members of this august body to actively participate in the budget deliberation, listen and respect everyone’s view, particularly the concerns of our colleagues from the minority, and reach a consensus that is beneficial to the country, especially the poor and marginalized among our people.” dagdag pa ng mambabatas.
Nagsagawa naman ng kilos protesta ang mga militante sa labas ng Batasan upang igiit sa kongreso na isama sa national budget ang salary increase sa mga manggagawa.