2,539 total views
Naninindigan ang simbahan at panlalawigang pamahalaan ng Bataan sa pagtutol sa pagsasaayos at paggamit ng Bataan Nuclear Power Plant.Tiniyak din ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang pagbibigay tuon sa pangangalaga at pagsusulong sa kabutihan ng kapaligiran lalo’t mayaman ang lalawigan sa biyaya ng kalikasan.
“Bataan is so blessed with water and land, rivers, oceans, and mountains. And so ang aming priority ay to protect, promote our environment, and that is the reason na kung saan ay napakaganda sapagkat wala kaming mining, wala kaming logging. And the land and the seas are protected,” ayon kay Bishop Santos sa programang Pastoral visit-on-the-air ng Radyo Veritas.
Sinabi pa ng obispo na ilan sa mga gawain na isinusulong ng simbahan ang pagbibigay ng kaalaman kaugnay sa Climate change katuwang ang mga paaralan at lokal na pamahalaan.
Gayundin ang panganib at pinsalang dulot ng mga single-use plastic sa kalikasan.
Ilang panukala rin sa kongreso ang nakabinbin kaugnay sa pagsasaayos ng nuclear power plant na una na ring sinusuportahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.
March 2023 nang aprubahan ng House Committee on Nuclear Energy ang consolidated bill para sa comprehensive atomic regulatory framework at ang paglikha ng Philippine Atomic Regulatory Commission.