336 total views
Naglabas ng panuntunan ang lead exorcists ng Diocese of Novaliches bilang ritwal sa pagtatanggal ng sumpa sa mga rosaryong dinasalan ng mga Satanista.
Ayon kay Father Ambrosio Nonato Legaspi, chief exorcists ng Diocese of Novaliches, may ritwal upang maitaboy ang mga masasamang espiritu na nasa rosaryo na maaring dasalin ng mga layko at mga pari.
Inihayag ng pari na matapos ang pagdarasal ng ritwal ay maari nang sirain ang rosaryo sa pamamagitan ng pagsunog, o pagbabaon nito sa lupa.
Makakabuti rin na agad na magsimba at mangumpisal sa pari sa mga kasalanan lalu nang tangan pa ang rosaryong ginamit.
Ang kopya ng ritwal para sa pagtataboy ng sumpa ay matatagpuan sa face book post ni Fr. Legaspi.
Si Fr. Legaspi ay ang parish priest ng Christ the King sa Filinvest Batasan,Quezon City.
For the Lay and Priests: PROCEDURE TO DESTROY OCCULTIC OR CURSED OBJECTS
Noong Lunes sa programang Hello Father 911 Monday edition, unang nagbabala ang pari sa mga rosaryong sinapian ng masamang espiritu na ang hangarin ay manggambala na sinasabing ipinakalat ng ‘illuminati’ o satanista.
“Kapanalig listeners, be careful as the rosaries you might be using could actually be infested or cursed,” ayon kay Novaliches chief exorcist Fr. Legaspi.
“These were made not only to be simply given away but to deceive Catholics…so that evil spirits will haunt them,” babala ni Fr. Legaspi.
Isa sinasabing mga palatandaan na mula sa satanista ang rosaryo ay may simbulo ng “Iluminati” na araw na may sinag at ahas na nasa likod ng nakapakong si Hesus.