473 total views
Inihayag ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang patuloy na paghahanda ng higit sa 1500 mga kasaping paaralan sa panunumbalik at pagpapalawig ng face to face classes.
Ito ay matapos isulong ng Department of Education (DepEd) at maaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng limited face to face class sa mga lugar na umiiral ang alert level 1 at 2 sa buwan ng Pebrero.
Kasabay din ito ng pagbibigay ng Commission on Higher Education (CHED) ng pahintulot sa mga Higher Education Institutions na nasa ilalim ng Alert Level 3 status na magdaos ng klase sa mga piling kurso sa kolehiyo.
“Our schools have been preparing for limited face to face because we know that this are going to be part of the hybrid system that we have to live with for the next few years until COVID is clear,” ayon sa panayama ng Radio Veritas kay Jose Allan Arellano – CEAP Executive Director.
Ayon kay Arellano, ang mga paghahanda sa new normal ay una naring ipinabatid sa mga CEAP member schools
“Lahat halos ng eskwelahan namin naghahanda na kasi yun din naman ang direksyon natin, una sisimulan yan ng limited face to face” ayon kay Arellano.
Pagbabahagi ng opisyal ng CEAP, labis narin ang negatibong epekto ng pagbabawal sa pisikal na pagpasok sa klase ng mga mag-aaral.
Pangamba ni Arellano na hindi aabot sa 40% ang natutunan ng mga estudyante sa mga kasalukuyang pamamaraan ng pag-aaral.
“The students do not have the complete grasps of what they’re suppose to learn with just online or with modulars- with the use of modules without the direct guidance of teachers pag hindi ginaguide ng teacher yan nako wala pang 40% siguro natutuhan ng mga bata,” ani Arellano.