528 total views
Umapela ang Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na muling buuin ang GRP Peace Panel at ipagpatuloy ang naudlot na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front in the Philippines (NDFP).
Muling isinulong sa nagkakaisang pahayag ng grupo na pinamumunuan nina Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma, SJ, at Ecumenical Bishops Forum Revd. Rex Reyes Jr. ang GRP-NDFP peace negotiations.
Ang Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), National Council of Churches in the Philippines (NCCP), Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), Conference of Major Superiors of the Philippines (CMSP formerly known as AMRSP) at Ecumenical Bishops Forum (EBF).
“The Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP), a network of church leaders officially designated by four religious federations – the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), National Council of Churches in the Philippines (NCCP), Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), Conference of Major Superiors of the Philippines (dating AMRSP) and the Ecumenical Bishops Forum (EBF), appealed to President Ferdinand Marcos, Jr., “to reconstitute the GRP Peace Panel and resume the GRP-NDFP peace negotiations, respecting the work and upholding the agreements that have been entered into by past leaderships.” Ang bahagi ng pahayag ng PEPP.
Ayon sa PEPP, nararapat na magkaroon ng usapang pangkapayapaan dahil sa kabiguan ng ‘all-out-war policy’ ng mga nakaraang administrasyon laban sa matagal ng armed conflict sa bansa.
Ipinaliwanag ng grupo na mahalaga ang pagdadayalogo upang maihayag ng mga komunistang grupo ang mga hinaing sa pamahalaan at makabuo ng tugon sa ugat ng problema.
“Every administration, including that of your father [former President Ferdinand E. Marcos], intensified its respective counter-insurgency program aimed at defeating the communist rebellion. Despite the massive campaigns implemented by these administrations to end this armed conflict, it has continued to rage particularly in the countryside causing internal displacement in the most vulnerable communities. This long running conflict only mirrors how deeply embedded are its roots in social injustice. Can there be peace without justice and meaningful change in the lives of the majority of our people who continue to wallow in poverty and misery?” Dagdag pa ng PEPP.
Inihalimbawa ng PEPP ang resulta ng Pulse Asia Survey noong June 24 to 27, 2022 kung saan lumabas na ang pagsusulong ng kapayapaan sa bansa ang pang-walo sa sampung mahahalagang usapin na nais ng mamamayang Pilipino na tutukan ng kasalukuyang administrasyong Marcos Jr.
Giit ng PEPP, napapanahon na muling pag-aralan at ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan lalo na ginugunita rin ang ika-30 anibersaryo ng The Hague Joint Declaration na nagsilbing pundasyon ng peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front in the Philippines (NDFP).
Ang naturang panawagan ng PEPP ay opisyal na ipinaabot ng grupo sa tanggapan ni Pangulong Marcos Jr. kung saan sa pamamagitan ng isang larawan ay makikita na natanggap ito ng nasabing tanggapan ng punong ehekutibo.
Attached: Received copy from the Office of the President of the Republic of the Philippines.