20,263 total views
Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban.
Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation.
Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay sa mga indibidwal na may natatanging paglilingkod sa Simbahan at sa lipunan.
Sa bisa ng kapangyarihan na iniatang ng Holy See, igagawad ni Cardinal Advincula kay Panganiban ang parangal sa misang isasagawa sa Minor Basilica of the Immaculate Conception Cathedral o Manila Cathedral.
Ang pagkilala ay gaganapin sa September 15, ganap na ika-lima ng hapon.