187 total views
Ipanalangin ang mga nagdurusa lalo na ang mga biktima ng persekusyon.
Ito ang panawagan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Abp. Gabriele Giordano Caccia, matapos ang pagdaraos ng One Million Children Praying the Rosary campaign sa Don Bosco Technical Institute, Makati, na pinangunahan ng Aid to the Church in Need Philippines.
Labis ang kagalakan ng Apostolic Nuncio matapos masaksihan ang mag-aaral mula sa elementarya na makiisa sa mga bata mula sa iba’t-ibang bansa sa pananalangin ng Santo Rosaryo.
Binigyang diin ni Archbishop Caccia na ang panalangin ng mga bata ay laging umaabot sa puso ni Maria at Hesus dahil nais ng Panginoon ang pagkakaisa at kapayapaan para sa bawat isa, magkakaiba man ang lahi, relihiyon, o wika.
“The prayer of Children, always reaches the heart of Jesus the heart of Mary, and as a mother she likes her children to be in peace, and to be at home with each other, so we pray for unity of all the children of God wherever they are, in all continents, with all languages, with all colors.” Pahayag ni Abp. Caccia sa Radyo Veritas.
Iginiit ng Apostolic Nuncio na ang bawat isa ay anak ng Panginoon kaya kabilang sa ipinagdarasal sa One Million Children Praying the Rosary campaign ang mga biktima ng pag-uusig sa iba’t-ibang panig ng mundo.
“All are children of God and we pray specially for those who are suffering for different reasons. The intercession of our Lady may help them all to feel the love of God and also to thank somebody who shows in practice in action, the love of God.” Dagdag pa ni Abp. Caccia.
Ang One Million Children Praying the Rosary campaign ay nagsimula sa Caracas, Venezuela noong 2005.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng Buwan ng Santo Rosaryo ngayong Oktubre at pagtugon sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Extraordinary Missionary Month na ipanalangin ang mga misyonero sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.