445 total views
Tuwinang nangunguna sa pagtulong sa mga nangangailangan ang charity organizations ng simbahan maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito ang binigyan diin ni Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa isinagawang Alay Kapwa Telethon ng Caritas Manila katuwang ang Radio Veritas ang media arm Archdiocese of Manila.
Hinihikaya’t din ni Archbishop Brown ang mananampalataya na makiisa at makibahagi sa telethon para sa mga mahihirap na pamayanan lalo na ang mga biktima ng kalamidad.
“From the very beginning we as Christians trying to help one another and help our less fortunate brothers and sisters to acts of charity. I know that Caritas Manila is having their telethon today, I will certainly encourage everyone to be as generous as possible,” ayon kay Archbishop Brown.
Giit pa ng arsobispo na ang sama-samang pagtulong ay bahagi rin ng kristiyanong pananampalataya ang pananagutan sa mga nangangailangan.
Bukod sa Caritas Manila, Caritas Philippines, ilang pang kaanib na miyembro ng Caritas Internationalis ang nangunguna sa pagsaklolo sa mga nangangailgnan.
“In Manila, in the Philippines, and throughout the entire world, Caritas was absolutely the first to help on the ground in many cases with respect to typhoon Odette. I saw that when I was there in Siargao,” dagdag pa ng kinatawan ng Vatican.
Ang Caritas Manila ay ang social aram ng Archdiocese of Manila, habang ang Caritas Philippines ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay bahagi ng 160 bansang ng Caritas Internationalis na kasalukuyang pinangungunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle-na siya ring Prefect of the Dicastery of Evangelization of People’s.
Inihayag ni Archbishop Brown na bukod sa pananalangin, at pag-aayuno ay mahalagang makibahagi ang bawat isa sa pagkakawanggawa bilang bahagi ng paghahanda ng sambayanang kristiyano sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.
Paliwanag pa ng nuncio, pangunahing pinaghahandaan ng simbahan sa kwaresma at Mahal na Araw ang kagalakan sa muling pagkabuhay ni Hesus dahil sa kaniyang paglalaan ng buhay sa pagtubos ng kasalanan ng sangkatauhan.
Bilang pakikiisa at munting pagsasakripisyo sap ag-ibig ng Diyos ay ang pagtulong sa mga higit na nangangailangan.
Paliwanag pa ni Archbishop Brown, “Everything that we have, that we possess is a gift from God. It’s God’s gracious presence in our lives that gives us material goods and we should proud to share that with others, to help others.”