208 total views
Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriel Caccia ang misa para sa pagdiriwang ng Pope’s Day na isasagawa sa Minor Basilica ng Immaculate Conception (sa ika-28 ng Hunyo) mamayang alas-6 ng gabi.
Ito ay kasabay na rin ng pista ng ‘Solemnity of Saints Peter and Paul na kapwa naging bahagi sa pagpapatag ng simbahan.
Si St. Peter- ang unang Santo Papa ng simbahan at St. Paul ang apostol ng mga Gentil-ay sabay na nagdiriwan ng kapistahan bilang isa na kapwa nagdusa at inusig para sa simbahan at para salin-lahi.
Ganapin naman ang ‘diplomatic reception’ sa mismong araw ng Pope’s Day sa June 29 sa Apostolic Nunciature of the Philippines kung saan kabilang sa mga inanyayahang dumalo sina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Maria Leonor Robredo at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan na taunang imbitasyon sa pakikiisa sa mahalagang selebrasyon ng simbahan.
Ang Pope’s Day ay pagbibigay ng karangalan sa kontribusyon ng Santo Papa sa pagpapayaman ng pananampalatayang katoliko.
Ang Santo Papa bilang visible head ng universal church ay may katungkulan na patatagin at pagkaisahin ang mananampalataya tungo kay Kristo.
Base sa pinakahuling tala, umaabot na sa 1.3 bilyon ang bilang ng mga Katoliko sa buong mundo.
Sa kabuuan ang simbahang katolika ay may 266 na Santo Papa na ang karamihan ay mula sa Roma at Italya.
Si Pope Gregory V ang kauna-unahang Santo Papa na isang Aleman, habang si Pope Francis naman ang kauna-unahang Santo Papa na isang Heswita.