1,818 total views
Nagpaabot ng pasasalamat ang kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas sa panalangin ng mga mananampalataya para sa tagumpay ng 126th Plenary Assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Kalibo, Aklan.
Sa programang Pastoral Visit On-Air ng Radio Veritas ay ibinahagi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang kanyang pakikibahagi sa retereat ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa bago ang naganap na pagpupulong noong ika-8 hanggang ika-10 ng Hulyo, 2023.
Ayon kay Archbishop Brown, naging makabuluhan ang pagtitipon ng mga Obispo na naganap sa Kalibo, Aklan.
“Let us ask all our listeners, the Kapanalig to pray for the bishops as the finish up their plenary session which was in Kalibo in Aklan. A very productive session I was there for the first day of it, actually I was there for the bishop’s retreat which preceded the plenary session of the bishop’s conference and now they are finishing up and they’ll be going back to their dioceses later on, but it was very productive meeting of the bishops in Aklan in Kalibo.” pahayag ni Archbishop Brown.
Partikular na ibinahagi ng Arsobispo ang mga aral at pagninilay ni Archbishop of Boston – Cardinal Sean O’Malley – President ng Pontifical Commission for the Protection of Minors na ibinahagi sa kalipunan ng mga Obispo sa pamamagitan ng isang video presentation.
Pagbabahagi ni Archbishop Brown, mahalaga at napakamakabuluhan ang ibinahagi ni Cardinal Sean O’Malley patungkol sa pagtiyak ng kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan hindi lamang sa lipunan at pamayanan kundi maging sa mga parokya at mga Simbahan.
“he’s known of course as being the cardinal who is also the president or the head of the Pontifical Commission for the Protection of Young People, of minors. So he gave a very profound reflection on the importance of safeguarding in the church and making sure that our churches and the parishes and every church institutions is really a safe environment for young people, that was one of his themes which was very important and which struck of us very very deeply.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.
Ginanap ang retreat at 126th Plenary Assembly ng CBCP sa Marzon Hotel sa Kalibo Aklan sa ilalim ng pangangasiwa at paghahanda ng Diocese of Kalibo.
Ilan sa mga mahalagang natalakay sa tatlong araw na pagpupulong ang paghalal ng mga opisyal ng CBCP sa unang araw nito kung saan muling naihalal si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang pangulo habang Vice President pa rin ng kalipunan ng mga obispo si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara.
Inaprubahan din ng mga obispo sa ikalawang araw ng pagtitipon ang pagtanghal sa Minor Basilica of the Black Nazarene bilang National Shrine.
Sa kasalukuyan 87 ang mga aktibong obispo, tatlong diocesan administrators sa 86 na diyosesis, arkidiyosesis, prelatura, at bikaryato habang 43 ang honorary members na pawang mga retiradong Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis.
Ginaganap ang CBCP Plenary dalawang beses kada taon tuwing buwan ng Enero at Hulyo.