280 total views
Ito ang hamon ni CBCP Episcopal Commission on the Laity at Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya sa pagdiriwang ng kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.
Ayon sa Obispo, tunay lamang na magiging makabuluhan ang pasko kung hahayaan ng tao na pumasok si Hesus sa ating mga tainga sa pamamagitan ng kanyang salita, sa ating mga mata sa pagbabasa ng bibliya at sa pintuan ng mga labi sa pamamagitan ng banal na komunyon.
“Maraming nagdiriwang ng pasko na wala si Hesus. Wala man lang dasal, wala man lang panalangin tungol kay Hesus. Nagdiriwang tayo ng Kanyang birthday na ang birthday celebrant ay hindi narerecognize. Ngunit si Hesus hanggang ngayon ay gusto N’yang pumasok sa atin, so sana papasukin natin S’ya,” pahayag ni Bishop Pabillo.
Sinabi ni Bishop Pabillo na ang pasko isang pagkakataon upang magnilay sa mga nagyayari sa lipunan at pairalin ang pagmamahalan na unang ipinaramdan ng dakilang tagapagligtas ng sangkatauhan.
Kaugnay nito ay umaasa si Bishop Pabillo na hindi matatapos ang diwa ng kapaskuhan kundi ay magtutuloy-tuloy pa sa mga araw, buwan at taon na magdaraan.
Pinayuhan naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang taumbayan na magpasakop sa kapangyarihan ng Panginoon.
Naniniwala ang Obispo na magiging maganda ang kahihinatnan ng lahat ng bagay kung susundun lamang ng tao ang kagustuhan ng Diyos at hindi ang idinidikta ng isip o sinasabi ng kapwa.
Tiwala rin si Bishop Bacani na tanging si Hesus lamang ang makapagbibigay ng inaasam na katarungan, kaligtasan at buhay na walang hanggan na kanyang ipinangako sa sanlibutan.
“Ang mga tao ay pwedeng maging masama at pwede tayong gawan ng masama ngunit ito po ang tinitiyak ko sa inyo, na ang Diyos na mapagmahal at makapangyarihan sa lahat ay Siya na ring aayos sa sinyong buhay at magbibigay ng katarungan lalo’t higit ng Kanyang awa. Huwag po tayong bibitiw sa Diyos,” panawagan ng Obispo.
Bagamat iba’t ibang mga suliranin ang sumubok sa
katatagan ng Pilipinas sa nagdaang taon, 77-porsiyento pa rin ng mga Filipino ang kumpiyansa na magiging masaya ang kanilang christmas season base sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations.
Kasabay ng pag-aalay ng pasasalamat sa pagdating ng Panginoon sa daigdig, una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagiging pastol na naghahatid ng pag-asa at bagong buhay sa kapwa.