178 total views
Tiwala ang isang propesor sa sampung iminungkahing plano ng Duterte administration sa ekonomiya.
Ayon kay University of Asia and the Pacific (UA&P) Prof. Bernardo Villegas na mas mapapabilis ng susunod na kabinete ang mabilis na pagdedesiyon sa pagpapatayo ng mga impratraktura na kung saan naging paralitiko ang Aquino administration sa pagpapatupad nito.
“Very good! I think this cabinet is definitely going to build on the accomplishment of the last administration especially yung macro – economic stability but then make decision faster. Kaya’t I think this present administration is going to be better in the last administration in terms of decision making. Ang problema nila in the last administration is they were inflicted by the paralysis by analysis. Now, Duterte is different kapag may decision they immediately implement it,” bahagi ng pahayag ni Villegas sa Radyo Villegas.
Nakikita rin ni Villegas na makakamit ng Duterte administration sa loob ng 100 araw ang 8 porsyentong paglago ng Gross Domestic Product na mas mababa sa 6.8 hanggang 7.8 porsyentong target ng papaalis na administrasyon.
“Yung infrastructure andami – daming infrastructure that was supposed to be implemented in the last administration na hindi ginawa. Duterte and company in the first 100 days make sure that all of them are started and I think that’s the way to get 8 percent,” bahagi ng pahayag ni Villegas sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na Lumago pa ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taong 2016. Nakapagtala ng 6.9 percent na economic growth na ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA ay pinakamataas na paglago ng ekonomiya mula noong taong 2013.
Nauna na ring iminungkahi ng kanyang Kabanalan Francisco ang Tricledown Theory na kung saan ang pag – unlad ay nararamdaman ng mga nasa laylayan ng lipunan.(Romeo Ojero)