229 total views
Nilinaw ni Borongan Bishop Crispin Varquez na ang pagdiriwang ng All Saints Day at All Souls Day ay inilaan ng simbahan para sa pagpaparangal at pasasalamat sa mga banal at para sa mga pumanaw.
Giit ng obispo, mali na ipagdiwang ito sa paraan ng nakakatakot kundi ang pagbibigay diin na ang buhay na walang hanggan ay nagsisimula sa pagkamatay ng isang tao.
“Pinapalabas kasi na death is parang nakakatakot, which is not the right one. Kaya dapat i-emphasize doon na death is the beginning of life eternal. At ang pag-celebrate noon is hindi ang fear ang pinapairal at ang masasamang itsura. Which is not, yun siguro ang dapat bigyang pansin ngayon para ma-counter natin ang kultura,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Varquez.
Una na ring hinikayat ng simbahan ang mga mananampalataya na sa halip na magsuot ng nakakatakot at magsagawa na lamang ng ‘march of the saints’ o pagbibihis sa mga kabataan ng mga kasuotan ng mga Santo..
Ilan sa mga nagsasagawa ng taunang ‘Parade of of Saints’ para sa pagdiriwang ng Undas ay ang St. Peter and Paul Parish Makati; Ascencion of Our Lord sa Paranaque; San Antonio De Padua, Marikina; Sta. Cruz Parish sa Caloocan; Nuestra Señora Dela Paz Y Buenviaje, BAcoor Cavite; Sta. Cecilia sa Maly, Pangasinan San Roque Catholic School, Mother of Mercy Loma De Gato at St. Michael the Archangel Parish sa Marilao Bulacan.
Una na ring inihayag ni Fr. Daniel Estacio, exorcist priest ng Diocese ng Pasig na sa pamamagitan ng parade of saints ay mabibigyan ng katesismo ang mga kabataan at makilala ang mga Santo at ang kanilang buhay pananampalataya.
Sa pagtaya ng simbahan, higit na sa 10,000 ang bilang ng mga santo, kung saan taong 993 itinalaga bilang kauna-unahang santo ni Pope John XV si St. Ulrich ng Augsburg.
Binigyan diin ng Santo Papa Francisco ang kahalagahan nang patuloy na pananalangin sa mga namayapa bilang pakikiisa o ‘communion’ sa iisang pananampalataya at pamilya na kapwa nangangailangan ng panalangin para sa kaligtasan.