Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pari sa mga botante, pagnilayan ang mga ihahalal na kandidato

SHARE THE TRUTH

 8,224 total views

Hinimok ng Church People Workers Solidarity ang mga Pilipino na gamitin ang panahon ng kuwaresma upang pagnilayan ang kanilang mga iboboto sa 2025 midterms election sa Mayo.

Ayon kay CWS National Capital Region Chairman Father Noel Gatchalian, ito ay upang maihalal naman ang mga lider na mayroong paghahangad na mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa.

Sinabi ni Father Gatchalian na dapat piliin ng mga botante ang lider na magsusulong ng wage hike, pag-alis sa contractualization, hindi pantay na benepisyo at paniniil sa mga union.

“Pinapakiusapan ko ang mga kapwa ko Pilipino na iboto natin ang mga kandadito na talagang ipinagtatanggol ang mga manggagawa, ang mga kandidato ng mga manggagawa sapagkat ang mga manggagawa nananatiling mababa ang suweldo kung hindi ang mga manggagawa mismo ang siyang magtatanggol sa kanila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Gatchalian.

Umaasa ang pari na sa pamamagitan ng pagninilay ngayong Kuwaresma ay maliwanagan ang mga Pilipino at mapili ang mga lider na ang layunin ay mapabuti ang buhay ng mga Pilpino.

“Hinihikayat ko at pinapakiusapan ang mga kapwa ko Pilipino na isipin natin ang mga kapwa natin manggagawa sa kumakandidato para sila ang makatulong sa mga kapwa natin manggagawa,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Gatchalian.

Sa kasalukuyan, umaabot ng 300 hanggang 645-pesos ang minimum wage sa ibat-ibang rehiyon sa bansa na napakababa sa isinusulong na 1,200-pesos na minimum wage.

Noong 2022 at 2023 din ay napabilang ang Pilipinas sa talaan ng Global Rights Index bilang isa sa ‘Top 10 most Dangerous Countries for Labor Leaders and Members in World’ matapos maitala sa 70 ang mga napapatay na labor leaders at members simula 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 19,168 total views

 19,168 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 27,268 total views

 27,268 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 45,235 total views

 45,235 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 74,381 total views

 74,381 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 94,958 total views

 94,958 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
12345

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 8,688 total views

 8,688 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,215 total views

 7,215 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
123456789101112

Latest Blogs

123456789101112