257 total views
Nagpahayag ng suporta ang grupo ng Mga Paring Laudato Si sa Huwag Kang Magnakaw Month na inilunsad ng Catholic Educational Association of the Philippines–National Capital Region Advocacy Committee.
Ayon kay Rev. Fr. Raul Enriquez, Convenor ng Mga Paring Laudato Si, Sadyang kinakailangan na maagang mahubog ang mga kabataan na maging matapat at mapagmahal sa kapwa tulad ng ninanais ng Diyos sa lahat.
Iginiit ng Pari na mahalagang matutunan ng mga kabataan sa murang edad na pahalagaan at igalang ang pagmamay-ari ng iba hindi lamang sa pera, inumin at pagkain kundi ang mismong dignidad ng bawat isa.
Ipinaalala Fr. Enriquez na hindi lamang salapi o mga materyal na pagmamay-ari ang maaring manakaw at mawasak ng kapwa kundi maging ang mismong kinabukasan at dangal na ipinagkaloob ng Panginoon.
“Bata pa ay hinuhubog na natin ang lahat na matutong maging matapat sapagkat ang Diyos ay matapat, ang Diyos ay talagang mapagmahal gusto niyang lahat tayo ay makinabang sa lahat ng mga ibinigay na biyaya sa atin, hindi lamang sa mga pagkain at inumin, sa pera kundi mismong sa ating dignidad. Huwag natin itong wawasakin, huwag natin itong nanakawin. Ang ninanakaw naman hindi lang naman properties yung kinabukasan, yung future natin, ang ninanakaw din kung minsan yung atin mismong dangal, yung ating dignidad winawasak kaya kailangan yan ay matutunan ng bata na habang tumatanda nakikitang talagang siya ay tapat sa Panginoong Diyos…” pahayag ni Enriquez sa panayam sa Radyo Veritas.
Noong Biyernes ika-7 ng Setyembre ay Opisyal na inilunsad ng CEAP-NCR Advocacy Committee ang Huwag Kang Magnakaw Month sa Don Bosco Technical College, Mandaluyong City.
Read: https: Huwag Kang Magnakaw Month, Inilunsad