909 total views
Pursigido si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na ipagpatuloy ang kanilang proyekto na makapagtayo ng mga Forest Reservation area sa bawat parokya ng kanilang nasasakupan.
Ito ang inihayag ni Bishop Uy matapos na maraming mga puno at kakahuyan ang nasira sa pananalasa ng bagyong Odette tatlong buwan na ang nakakalipas.
Ayon sa Obispo bago pa ang pananalasa ng bagyo ay nagsimula na sila sa naturang inisyatibo kung saan ang bawat parokya ay hinihikayat na magtayo ng “Parish Forest” na layong maparami ang mga puno at bungang-kahoy sa kanilang mga nasasakupan at magsilbing inspirasyon sa mga tao.
“We organize [this] last year we try to inaugurate this program we call Parish forest. I Dream of having a forest in every Parish para ma-inspire ang mga tao na magtanim ng mga hardwood trees at fruit bearing trees. They [Parish] will maintain it and plant more trees there and for many people who don’t have lands and they are interested in the tree growing program but don’t have a place to plant, with the Parish forest they have a place to go where they can plant trees.” Pahayag ni Bishop Uy sa panayam ng Radio Veritas.
Aminado ang Obispo na naapektuhan ng bagyong Odette ang kanilang programa ngunit lalo silang nakumbinsi na ipagpatuloy ito matapos na makita ang epekto ng pagkasira ng kalikasan sa buhay ng mamamayan.
“It’s sad because of [Typhoon] Odette a lot of the trees have brought down but we are willing to start again tree growing and tree planting in coordination with the government agencies.”pahayag ni Bishop Uy
Naniniwala ang lider ng Diocese of Tagbilaran na ang kawalan ng mga puno at mga halaman ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya’t nagaganap ang mga mapaminsalang kalamidad dahilan upang paiigtingin nila ang proyekto.
“Actually I’m a Pope Francis fanatic, Laudato Si is really special for us. It has touched me deeply and motivated me to give my all for this cost, to save our environment. We are here just to inspire we cannot do everything but I believe I see myself as an inspiration together with the Lord to inspire people to care for the environment and do whatever they can for the good of the people of God” paliwanag ng Obispo.
Magugunitang Disyembre ng taong 2021 ng manalasa sa Pilipinas ang bagyong Odette kung saan isa ang lalawigan ng Bohol sa labis na napinsala.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang mga rehabilitation efforts ng iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan upang makatulong sa pagbangon ng mga naapektuhang residente.(