197 total views
Dapat maging bahagi ang lahat sa patuloy na pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, ang diyos ang palagiang gumagabay sa mga Filipino sa pagbuo ng kasaysayan ng bansa tulad ng araw ng kasarinlan na nakamit 119-taon na ang nakaraan.
Inihayag ni Bishop Cabantan na ang kasaysayan ng kalayaan ang siyang humubog sa mga Filipino para maging isang bansa.
Sinabi ng Obispo na sa pamamagitan ng Diyos at ating pananampalataya ay nabigyan ng inspirasyon at pag-asa ang bawat Filipino na kumawala sa pananakop ng mga malalakas na bansa.
“Naniwala tayo na naggabay sa atin ang Panginoon. Kaya nga ang history of Israel in the light of faith ay tinawag nating history of salvation. Kasama natin siya sa ating paglalakbay. History has shaped us as a people and as a nation. With God we also shape history.” Pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas
Iginiit ng Obispo na malaking hamon din ng selebrasyon ng araw ng kasarinlan ang pakikiisa at aktibong pakikibahagi ng mga Filipino para sa kaunlaran ng ating bansa sa pamamagitan ng bagong pamamahala.
“We can ask, as we celebrate our Independence Day, “What has become of us now as a Filipino people and country? What needs to be done to achieve our common aspirations and dreams? With the new leadership of our country, how can each of us participate in shaping our country since the time of our first heroes who fought for the sovereignty and freedom of our land? This is our call and challenge as empowered and participative citizens of our beloved Philippines.”pahayag ni Bishop Cabantan.
Ipagdiriwang ng Pilipinas ang ika-119 na anibersaryo ng Independence day sa ika-12 ng Hunyo.