385 total views
Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na patuloy manalig sa Panginoon sa pagpasok ng bagong taon.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino, dapat magpasalamat sa Diyos ang bawat isa sa nagdaang taon sa kabila ng mga pagsubok ay nalagpasan ito sa kabutihang loob at awa ng Panginoon sa sangkatauhan.
“A year has passed and we overpassed all difficulties, surpassed all trials; Yes there is pain and some problems yet we overcome them all. It is because of God. It is of God’s goodness,” pahayag ni Bishop Santos.
Sinabi ng Obispo na dapat purihin at kilalanin ng sanlibutan ang kabutihan ng Panginoon sa kabila ng pagiging makasalanan ng bawat isa at pasalamatan ang bawat biyayang ipinagkaloob sa tao.
Inihayag ni Bishop Santos na mahalagang pagtibayin ang pagtitiwala sa Diyos upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na maaring kakaharapin sa panibagong taon at iba’t-ibang hamong kakaharapin sa buhay.
“With this coming year let us first think of God, turn to Him and always trust Him; we don’t know what lies ahead of us, but we confidently rely on Him, with our plans we think of Him, with our projects we trust Him,” ani ng Obispo.
Binigyang diin ni Bishop Santos na ipagkatiwala sa Panginoon ang kaligtasan mula sa mga kalamidad at anumang pagsubok maging sa tinatamasang kasaganaan ng buhay.
Bukod dito ay pinaalalahanan ng Obispo ang mananampalataya na bukod tanging sa Diyos lamang nakasalalay ang tagumpay at hindi sa mga pamahiing nakaugalian ng mga Filipino sa pagsalubong ng bagong taon tulad ng paggamit ng paputok.
“Our blessedness, our successes are because of God. Our 2020 will be truly happy and prosperous because of God, not by firecrackers nor by 12 round fruits, not by noise. It is only of God, by God. And so let us on this New Year think, turn and trust God. Be thankful to this Year, turn and trust God on this New year!” giit ni Bishop Santos.