408 total views
Inaanyayahan ng PasaLord Prayer Movement ang publiko sa sama-samang pananalangin ngayong unang Huwebes ng Pebrero, alas-12 ng tanghali.
Ayon kay Lourdes Pimentel, founder at lead convenor ng PasaLord Prayer Movement ang Synchronized Nationwide Prayer for Peace ay panawagan ng pagkakaisa ng bawat Filipino para sa kapayapaan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at pananampalataya.
Paliwanag ni Pimentel ang pananalangin ay maaring isagawa saan mang silang narooon, anumang lengwahe o kinaugaliang paraan ng pagdarasal.
“We encourage everybody to pray, wherever you are you pray and then if you do not have the prayer you pray on your own as long as you pray,” paanya ni Pimentel.
Bukod sa kapayapaan, kabilang na rin sa dapat na ipanalangin ang mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas tulad ng mga nasalanta ng bagyo, lindol, pagputok ng Taal at ang paglaganap ng 2019 Novel Coronavirus.
“We don’t only pray for ourselves but we include the whole world kasi global na itong Coronavirus and of course locally we need to pray for the victims of Taal ang dami yung mga earthquakes, mga typhoon, yung mga nasunugan ang daming nangyayari sa ating bayan rin so we need to pray for everyone,” ayon pa kay Pimentel.
Ang PasaLord Prayer Movement ay nagsimula taong 2017 na naglalayong mapag-isa ang bawat Filipino sa pananalangin para sa kapakanan ng buong bansa.
Noong nakaraang taon, naghain ng resolusyon si Senate President Vicente c. Sotto III para italaga ang unang Huwebes ng Pebrero bilang “National Synchronized Interfaith National Prayers for Peace and Reconciliation” bilang panawagan sa mga Filipino na sama manalangin tuwing alas-12 ng tanghali para sa kaayusan at kapakanan ng bayan.