Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 338 total views

Homiliya para sa Huwebes ng Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay, 28 ng Abril 2022, Jn 3:31-36

“Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao!” (Acts 5:25) Ang linyang ito na narinig natin sa ating first reading ang naging title ng pastoral letter na inilabas ng CBCP noong January 25, 1986, two weeks bago naganap ang kontrobersyal na eleksyon na naganap noong Pebrero 7, 1986. Eleksyon na humantong sa katapusan ng Marcos dictatorship at pagbabalik ng demokrasya sa pamamagitan ng nangyaring people power sa EDSA.

Obvious ba na ito ang pinaghugutan ng CBCP ng inspirasyon para sa pagbabantay na hiniling nilang gawin ng taong-bayan noon upang maging malinis, totoo, at payapa ang maging takbo ng halalan na first time mangyayari sa loob ng 14 years ng madilim na panahon ng dictatorship na naglugmok sa ating bansa at nagwasak sa ating ekonomya dahil nilimas nang husto ng mga Marcos noon at ng mga cronies nila ang pondo ng gubyerno. Ang makasaysayang halalan na iyon ang tinawag na “snap election,” at dalawang kandidato lang noon ang pagpipilian sa botohan—si Marcos ba (na 20 years na sa pagkapresidente), o ang kandidatong babae at biyuda?

Halos isang buwan lang noon ang campaign period at nagulat ang administrasyon sa reaksyon ng mga tao. Parang biglang nawala ang takot ng mga tao sa Diktador. Dati-rati, ni hindi mabanggit ang pangalan ng Diktador kundi pabulong. Sobrang praning ng mga nakatatanda dahil sa dami ng mga ipinakulong sa oposisyon o sa sinumang magsalita laban sa awtoridad niya. Pero noong mga araw na iyon bago nag-eleksyon, aba nawala ang takot ng mga tao. Sila mismo ang nangampanya at nagbahay-bahay. At ang iba ay nagmanman at nagbantay sa botohan. Pati yung mga election officers ng Comelec noon, ang lakas ng loob nila na mag-walk-out nang hindi na nila masikmura ang pandaraya.

Parang ganitong-ganito rin ang sitwasyon na ikinukuwento sa atin ni San Lukas sa ating unang pagbasa. Kung ilalagay natin sa mas simpleng salita, ganito ang sinabi ng mga awtoridad sa mga alagad sa ating unang pagbasa: “Ang titigas naman ng mga ulo ninyo. Hindi ba kayo masaway? Pinagsabihan na namin kayo na tumigil na sa pagbanggit sa pangalan na iyan, pero hanggang ngayon hindi pa rin kayo tumitigil at parang kami ang sinusumbatan ninyo sa pagkamatay niya.”

Noon 1986, ang pangalan na ayaw na ayaw ng mga awtoridad na mabanggit sa publiko ay hindi Hesus kundi pangalan ng taong binaril sa airport. Defensive sila. Feeling nila pinagbibintangan sila.

Ganyan din daw ang disposisyon ng mga awtoridad ayon sa ating first reading. At ang laging banta nila sa mga alagad ay kulong o bitay. In fact ikinulong na nga sila, pero di ba sa kuwentong binasa natin kahapon, may anghel daw na naglabas sa kanila sa kulungan nang gabing iyon? (Noong panahon ng dictatorship, mga madre at mga human rights lawyers ang mga angels.)

Natatawa ako pag naiisip ko ang eksenang iyon na binasa kahapon. Nakalabas na ang mga bilanggo, pero ang mga guwardiya nandoon pa rin nagbabantay. At ang rehas na pintuan, nakakandado pa rin. Pero wala nang laman ang selda sa loob. Ang mga alagad na binilanggo nila nasa labas na. Ni hindi tumakas o nagtago. Dati napakaduwag nila. Ngayon matapang na sila. Sabi ko nga kahapon, sila mismo ang naging tunay na ebidensya ng muling pagkabuhay ni Kristo.

Kaya siguro na-inspire din ang mga obispo noon. Sabi nila sa sulat na iyon,

“We should not passively surrender to the forces of evil and allow them to determine the conduct and the results of these elections. The popular will is clearly shown by the interest of the vast majority of our people to participate in these elections. If we band together, we can become a massive force that will assure relatively clean and honest elections, expressive of the people’s genuine will.”

Sabi pa nila, “In a conflict of loyalties and interests, God’s will must prevail over unjust commands of earthly leaders.

We address these words to all of you, our countrymen, not only because of our concern to uphold gospel values but also because of our country’s critical situation. These elections, if free and honest, will be a big step in restoring that confidence in government and cooperation with it which are essential to national recovery. This confidence can only be lost and our crisis worsen in the event of massive election frauds.”

At ganoon na nga ang nangyari, tulad ng inaasahan ng marami: isang eleksyong talamak sa pandaraya at pananakot, dahil wala pa rin palang tunay na intensyon noon ang diktadura na tanggapin ang desisyon ng taumbayan at kusang magbitiw na sa kapangyarihan.

Kaya’t ang naunang sulat pastoral ng CBCP noong Enero 25, 1986 ay nasundan ng isa pa noong Pebrero 13, 1986. Ganito ang kanilang naging pahayag, matapos na ideklara ang diumano’y naging resulta ng halalan:

“Ang isang pamahalaang nananatili sa poder sa pamamagitan ng pandaraya ay wala nang moral na batayan upang manatili… Ito’y may obligasyon na itama ang kamaliang kinatatayuan nito. Dapat nitong igalang ang mandato ng taumbayan. Ito’y isang pangunahing kondisyon para sa pakikipagkasundo.”

Sa loob ng dalawang linggo ulit, pagkatapos lumabas ang sulat na iyon, nangyari ang tinuturing kong tunay na golden age ng ating kasaysayan. Muntik nang pumutok noon ang isang madugong civil war. Nakaabang na ang mga militar ng gubyerno para lusubin sa Camps Crame at Aguinaldo ang mga sundalong tumiwalag na sa gubyerno dahil sa pandaraya sa eleksyon. Grabe ang pagkamangha ng daigdig sa lakas ng loob ng halos milyong mga Pilipinong nagtungo sa EDSA at pumagitna sa mga tangke at baril ng magkabilang kampo ng mga sundalo?

Biro mo, biglang nangyari ang pinangarap ng ating bansa na isang mapayapang pagbabalik ng demokrasya sa pamamgitan ng “people power”. Grabe ang tapang na ipinakita noon ng mga Pilipino. Walang sinabi ang tapang ng mga Ukrainians. Naglabasan sila, katulad ng mga alagad ni Kristo na lumabas sa pinagtataguan. Sa kalsada sila nagdasal, nagrosaryo, nagprusisyon, naghatid ng inumin at pagkain sa mga sundalo at mga tao. Ang ang resulta? Parang Salubong ng Pagkabuhay para sa bansang Pilipinas.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,922 total views

 31,922 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,578 total views

 46,578 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,693 total views

 56,693 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,270 total views

 66,270 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,259 total views

 86,259 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,388 total views

 7,388 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,518 total views

 9,518 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,518 total views

 9,518 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,519 total views

 9,519 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,515 total views

 9,515 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,388 total views

 10,388 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,589 total views

 12,589 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,622 total views

 12,622 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,976 total views

 13,976 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,072 total views

 15,072 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,281 total views

 19,281 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,999 total views

 14,999 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,369 total views

 16,369 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,631 total views

 16,631 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,324 total views

 25,324 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top