15,254 total views
Tiniyak ng Pasig Catholic College (PCC) ang paghuhubog sa mga mag-aaral upang maging huwarang mamamayan sa lipunan matapos.
Ito ang mensahe nina PCC President Fr. Daniel Estacio at PCC-Alumni Association President Allan Aluste sa paggawad ng parangal at pagkilala sa sa 2024 PCC Exemplary Alumni Awards.
Ayon kay Fr.Estacio, nawa sa pagtanggap ng parangal ay ipagpatuloy ng awardees ang kanilang mabubuting gawa na nasimulan sa kanilang mga kinabibilingang komunidad tungo sa pag-unlad.
“As our motto, Pasig Catholic College, persons of character and competence, itong mga recipient ng ating mga award ito ay talagang nahirang, napili, sapagkat sila ay sumasalamin ng mga katangian na ito ng isang graduate ng Pasig Catholic College, persons of character and competence at sana ay gawin nila itong ehemplo, inspirasyon, para magpursige, at gawin ang lahat ng makakaya para sa maging isang mabuti, maging tapat at kapakipakinabangan na mamamayan na naglilingkod sa mga pamayanan at higit sa lahat sa bayan natin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Estacio.
Tagubilin naman ni Aluste sa awardees ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga mabubuting adhikain sa lipunan na kanilang natutunan sa kanilang pagiging dating mag-aaral ng PCC.
“Unang-una ako’y nagpapasalamat sa lahat ng mga awardees dahil naipamalas nila na kahit matagal na silang graduate ng kumbento ay naisasabuhay parin nila yung turo ng kumbento, ito ang tatak ng batang kumbento, ito yung ating pinagmamalaki at I am very proud of our awardees,” ayon aky Aluste.
Kabilang sa mga tumanggap ng pangaral sina Broadcast Journalist na si Emil Sumangil ng GMA-7, Fr. Carlo Magno Marcelo ng Archdiocese of Manila, Agriculturist Vernie Beo, Artist Roderick Macutay, Accountant Ana Maria Salvador, Engineer Paul Anton Mahinay at Choir Conductor Norberto Edades.