194 total views
Pinaalalahanan ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang mga mananampalataya na panatilihin ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.
Ayon sa arsobispo, dapat isaalang-alang ng bawat isa na ang pagdiriwang ng Pasko ay pagbubunyi dahil sa pagsilang ng ating manunubos na si Hesus.
“Ibalik ang tunay na diwa ng pasko it is really Self giving of our Lord Jesus Christ and also the sense of Love, forgiveness and reconciliation,” ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Jumoad.
Ito rin ayon kay Archbishop Jumoad ang tamang panahon para sa pakikipagkasundo, pagpapatawad at pagbabagong loob dahil ito ang panawagan sa bawat isa ni Hesukristo.
Paalala pa ng arsobispo ito rin ang panahon nang pagbibigayan at hindi lamang pagtanggap ng mga regalo at Aguinaldo.
“When it is already in excess, it does not belong to you. It has to be given to others,” paalala pa ni Archbishop Jumoad.
Noong taong 2007 base sa pag-aaral ng Newsbreak, umaabot sa P63 bilyon ang ginastos ng mga Filipino para lamang sa pagdiriwang ng Pasko.
Sa 2016 Christmas message ni Pope Francis, pangunahing nitong ipinapanalangin ang pagkakaroon ng kapayapaan sa buong mundo, lalu na sa mga bansang may digmaan na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa karahasan.