247 total views
Inaanyayahan ng Diocese of Kalookan ang mga mananampalataya na makiisa sa taunang pagsasagawa ng National AIDS Sunday tuwing unang linggo ng Disyembre.
Layunin nito na mapataas ang kamalayan ng mga mananampalataya kaugnay sa Acquired Immune Deficiency Syndrome, at maalis ang stigma sa mga mayroong karamdaman.
Ayon kay Father Dan Cancino, M.I. – Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, hindi dapat nagtatapos sa diagnosis ang pangangalaga sa mga may HIV-AIDS, dahil marapat na ipinagpapatuloy ang pastoral care sa pamamagitan ng pakikilakbay o pastoral accompaniment sa mga may karamdaman.
“Pag-positive puwede pa ba? ang magagawa natin doon accompany them pastorally also, hindi lang natatapos ang pastoral care sa pag-diagnose, dapat yan continues yung pastoral accompaniment sa tao for him to still make the right choices.” Pahayag ni Father Cancino sa Radyo Veritas.
Sa unang araw ng Disyembre magsasagawa ng banal na misa sa San Roque Cathedral, alas diyes ng umaga bilang pananalangin at pagpapakita ng pagmamahal at pagtanggap sa mga taong may HIV-AIDS.
Kaisa dito ng Diocese of Kalookan ang Ministry of Health Care ng Archdiocese of Manila at Philippine Catholic HIV-AIDS Network.
Sa tala ng United Nations Program on HIV and AIDS mayroong umaabot sa 77-libong mamayan o tinatawag na People living with HIV sa Pilipinas. gayunman nasa mahigit 62-libo lamang sa mga ito ang naiulat at na-diagnose.
Sa panlipunang turo ng simbahan ang pagiging tapat sa kabiyak ang isa sa mga paraan upang maiwasan ang pagkakaron ng Acquired Immune Deficiency Syndrome.
(Photo Courtesy of Shutterstock)