70,241 total views
Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino.
Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara sa 9% lamang ng 2015. Ang live-in kapanalig, ay tinatawag din nating common-law marriages. Ang National Capital Region ang may pinakamaraming nag lilive-in, habang ang Bangsamoro Autonomous Region ang may pinakamaliit na proporsyon ng mga magka-live-in.
Walang halong panghuhusga, kapanalig, ang ating diskusyon dito. Nais lamang natin na patatagin ang pagsasama ng mga magsing-irog. Ang mga live-in arrangements, magkasama man ang pamilya at masaya, hindi pa rin nabibigyan ng sapat na proteksyon mula sa batas at miski sa lipunan. Marami ring diskriminasyon ang umiiral, lalo sa nararanasan ng mga kababaihan, separada man o hindi, at mga single parents, pati na rin sa common-law marriages.
Kahit pa dehado sila, marami na ang nasa ganitong set-up, lalo na sa mga kabataan. Ayon nga sa Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS), 12% ng ating mga kabataan ay nagli-live in na. Siguro mainam na tingnan natin kung bakit nangyayari ito. May naunang YAFS (2013) ang nagsabi noon na economic concerns ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nagpapakasal ang mga nagli-live-in. Mahal kasi ang magpakasal – mula seremonya, damit, pati na rin pagkuha ng marriage license.
Maari rin natin tingnan kung may koneksyon din ba ang ang absence ng mga magulang habang lumalaki ang mga bata. Ayon sa YAFS5 naman, 67% na lamang ng mga kabataan ngayon na may edad 15-19 ang napapalaki ng kanilang nanay at tatay. Malaking pagbaba o decline ito mula sa datos ng 1994 hanggang 2013, kung saan mga 83% ng kabataan ay kasama ang kanilang nanay at tatay habang sila ay lumalaki. Ngayon, mga 18% nanay lang ang kasama, at 4%, tatay lang. Mga 7% naman, mga lolo at lola ang nagpalaki. Ang pangunahing rason kung bakit nagiging absent ang isa o dalawang magulang, ay trabaho. Kailangang nilang magtrabaho sa malayong lugar upang buhayin ang kanilang pamilya. Nakita sa regional studies ng 2013 YAFS na may kaugnayan ang absence ng magulang sa pagtigil sa pag-aaral ng bata, teenage pregnancy, pati na ang cohabitation.
Sabi nga sa Familiaris Consortio, sa mga developing countries, “families often lack both the means necessary for survival, such as food, work, housing and medicine, and the most elementary freedoms.” Kapanalig, nakikita sa mga pag-aaral na ang mga hamon sa mga pamilyang Pilipino ngayon. Siguro bago tayo maghanap ng paraan upang tibagin ang pamilya, maghanap din tayo ng paraan kung paano natin pagtitibayin ito, at gawing kanlungan ng pagmamahal, suporta, at pag-asa. Paalala pa rin sa Familiaris Consortio, the image of God shines in all human beings without exception. Bilang Kristiyanong Lipunan, dapat natin isulong ito.
Sumainyo ang Katotohanan.