Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,247 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa ika-19 na Linggo ng KP, 17 Agosto 2023, Mat 18:21-35

Tungkol sa patawad ang ebanghelyo ngayon. Patawad na binawi. Nagpatawad na ang amo sa katiwala niyang may malaking utang, pero binawi niya sa bandang huli.

Ikinwento ni Hesus and talinghaga bilang sagot sa tanong ni Pedro: ilang beses ba ako magpapatawad sa kapwa kong paulit-ulit kung magkasala? May sagot na agad sa sariling tanong niya; ang suggested limit niya—seven times.

Parang medyo salungat ang parable sa sagot ni Hesus sa tanong ni Pedro. Di ba ang sagot ni Hesus, “Hindi pito kundi makapitumpung beses na pito.” Ibig sabihin walang limit. Ganoon pala e bakit ngayon kinukwento niya ang among nagpatawad pero binawi ito? Di ba niya nilimit ang patawad?

Ang palagay kong susi para makuha ang punto ng parable ay ang sinasabi natin sa Ama Namin: “Patawarin mo ang aming mga sala gaya nang pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin.” Laging dalawa ang direksyon ng patawad sa pananampalatayang Kristiyano: ang humingi ng tawad at magpatawad. Laging magkasama ang dalawa. Para bang sinasabi natin, “Lord, kung di ako marunong magpatawad, huwag nyo rin akong patawarin.” Seriously?

Ganito ang punto ng parable. Pinatawad ang katiwala sa malaki niyang pagkakautang dahil nagmakaawa. Pero hindi nito mapatawad ang kapwa alipin niya sa di-hamak na mas maliit na pagkakautang. Pinagbuhatan pa ng kamay at ipinakulong. Oo, mercy o awa ang patakaran, pero hindi maihihiwalay ang mercy sa justice. Humihingi ka ng awa pero di ka marunong maawa? Para sa sarili awa ang hiniling mong patakaran, pero para sa kapwa justice ang gusto mo? Kaya binawi ng amo ang mercy at sinunod ang patakaran ng justice dahil ito ang gusto mo. Justice ang patakaran hangga’t tayo mismo ay hindi natututong maging maawain.

Ito rin ang punto ng kasabihan, “Ang panukat mo sa kapwa ay siya ring gagamiting panukat sa iyo.” Ang hindi makapagpatawad sa mas maliit na pagkakasala ng kapwa ay walang karapatan na humingi ng tawad para sa mas malaking pagkakasala. Sa ugaling ipinakita ng katulong sa kapwa katulong, parang siya na rin ang nagbigay sa Panginoon ng panukat sa patawad na pwede niyang tanggapin. Kapag binigyan natin ng hangganan ang ating patawad sa kapwa, parang nilagyan natin ng hangganan ang kakayahan ng Diyos na patawarin tayo.

Sa aklat ng Levitiko, sabi ni Moises sa bayang Israel: “Maging banal kayo sapagkat ang Panginoong ating Diyos ay banal.” Ito ang konsepto niya ng tamang “Pakikitulad sa Diyos.” Kay San Mateo, “Maging ganap kayo kung paanong ang inyong Ama sa langit ay ganap.” Pero sa version ni San Lukas, “Maging mahabagin kayo kung paanong ang inyong Ama sa langit ay mahabagin.”

Ano ang madalas pumigil sa pagiging mahabagin ng tao? Kadalasan ito ay may kinalaman sa mga alaala ng mga lumipas na trauma ng pagiging biktima ng kalupitan. Kaya nga sa Lumang Tipan ang batayang prinsipyo ng katarungan ay patas na gantihan. Sa Latin LEX TALIONIS: batas ng paghihiganti. Na hindi daw dapat masobrahan ang paghihiganti, na dapat patas lang. “mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Ito rin ang batayan para sa death penalty sa bibliya: “Buhay ang kapalit ng buhay.” Imbes na maging paraan ng para mabawasan ang krimen, naging paraan naman ito para mang-abuso ang mga nasa poder.

Kaya kinwestiyon ito ni Hesus: “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan, siya ang maunang bumato sa nagkasala.” Parang ito rin ang punto ng linya sa Salmo 130, “Kung tatandaan mo, Panginoon ang mga atraso namin, sino kaya ang maiiwan sa amin?” Kaya binago niya sng prinsipyo: “Dati mata sa mata, ngipin sa ngipin. Ngayon, huwag gumanti. Huwag balikan ng suntok ang sumuntok . Pag-aralang mahalin kahit ang nga nakasakit sa atin kung ibig ninyong maging mga anak ng Diyos. Namumuhi siya sa kasalanan pero mahal pa rin niya ang nagkasala. Hindi niya sila igi-give up. Laging mabuti ang hangad niya para sa kanila.

Kung minsan may nagsasabi, “Paano ko patatawarin ang hindi naman humihingi ng tawad? Ano ang silbi nito? Ang sagot, “Ang patawad ay hindi lang para sa pinatatawad kundi para din sa nagpapatawad. Hindi mo lang ginagawa para palayain ang nagkasala sa iyo sa kanyang atraso. Ginagawa mo rin para mapalaya ang sarili mula sa bilangguan ng galit at hinanakit. Ito’y pabor para sa atin ding sarili; hindi mo hinahayaang manatili ang sarili mo sa pagiging biktima.”

Ang kasalanan kasi ay parang kumunoy. Kaya pag tinanong natin kung ilang beses ba dapat magpapatawad sa kapatid na nagkasala, para na rin nating tinanong, ilang beses bang ililigtas ng isang ama ang anak niyang paulit-ulit na nahuhulog sa kumunoy?Para kay Hesus, katawa-tawa ang tanong na ganito. Kaya katawa-tawa din ang sagot niya: “Hindi pito kundi makapitumpung beses na pito.”

Sa Rwanda, halos 1 million katao sa tribong Tutsi ang pinatay noong mga 25 years ago.Malalim ang mga sugat na nananatili sa pagitan ng magkabilang tribu ng Hutus at Tutsi. Para sa presidente ng Rwanda, si Paul Kagame, walang magtatapos sa paulit-ulit at paikot-ikot na gulong ng karahasan at gantihan kundi ang PATAWAD. Kaya nagreact sa kanya ang mga survivors na biktima—bakit daw ba sa kanila pa pinabubuhat ang pasanin ng responsibilidad para sa paghilom ng kanilang bansa? Ang sagot niya ay, “Napakasakit talaga ng ganitong tanong, pero malinaw sa akin ang sagot. Ang mga survivors lang ang meron pang natitira na pwedeng ibigay: ito ang kanilang patawad. “

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 8,830 total views

 8,830 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 15,953 total views

 15,953 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 23,156 total views

 23,156 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 28,510 total views

 28,510 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 36,116 total views

 36,116 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 1,944 total views

 1,944 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 1,978 total views

 1,978 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 3,331 total views

 3,331 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 4,428 total views

 4,428 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 8,650 total views

 8,650 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 4,374 total views

 4,374 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 5,744 total views

 5,744 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 6,005 total views

 6,005 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 14,698 total views

 14,698 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 7,411 total views

 7,411 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 7,543 total views

 7,543 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 8,530 total views

 8,530 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 8,531 total views

 8,531 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 11,285 total views

 11,285 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 15,700 total views

 15,700 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top