1,911 total views
Hinikayat ni Digos Bishop Guillermo Afable ang nasasakupang mananampalataya na patuloy magbulod sa paglalakbay bilang isang kawan ng Panginoon.Ito ang mensahe ng obispo sa ika – 72 anibersaryong pagkatatag sa Blessed Virgin Mary Mediatrix of all Graces Parish kung saan sinabi nitong hilingin ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria sa patuloy na pagmimisyon sa lugar.Kinilala ng obispo ang tungkuling ginagampanan ng Birheng Maria sa patuloy na paglago ng diyosesis bilang pamayanang kristiyanong nagbubuklod kay Kristo.“Mga kaigsoonan magpadayon kitang masaligon nga modangop sa atong mahal nga Patron alang sa atong mga kaugalingong pahanungdan, ug usab alang sa pahanungdan sa atong kristohanong katilingban, alang sa atong dakbayan, lalawigan ug alang sa tibuok nasud. Sa ingon, mapahiuyon ang atong panaw sa kinabuhi subay sa kabubut-on sa Dios nga Amahan, alang sa kaluwasan sa tanan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Afable.
[Mga kapatid patuloy tayong magtiwala sa pamamatnubay ng ating patron para sa ating mga pansariling kahilingan, gayundin sa intensyon ng kristiyanong pamayanan, sa ating lungsod, lalawigan at sa buong bansa. Sa gayon naaayon ang ating paglalakbay sa kalooban ng Diyos Ama, sa kaligtasan ng bawat isa.]
August 22, 1951 nang itatag ni Archbishop Clovis Joseph Thibauld (Thibault), P.M.E ang parokya noong ito ang obispo ng Archdiocese of Davao.
Tiniyak ni Bishop Afable na ipagpatuloy ang nasimulan ng arsobispo pitong dekada ang nakalilipas sa pagpapastol sa kawan ng Panginoon.
Tinuran din ng obispo ang ika – 72 taon nang pagdiriwang sa kapistahan ng Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Langit na idineklara ni Pope Pius XII na isang maganda at makabuluhang pagdiriwang para sa parokya dahil ito rin ay oktaba sa Pag-aakyat sa langit ng Mahal na Birhen.
Nagpasalamat si Bishop Afable na nanatiling yumabong ang biyaya ng pananampalataya sa kristiyanong pamayanan sa lugar makalipas ang pitong dekada.
“Sulod sa 72 na ka tuig, ang kabilin nga debosyon nato kang Mary Mediatrix nagpabiling buhi ug mabungahon sa duha na ka henerasyon sa mga magtotoo dinhi sa Digos. Mapasalamaton kaayo kita niining kabulahanan sa atomg kinabuhi, diin nagkauban kitang nagapanaw ning kalibutan, uban sa atong Inahan ug Rayna sa langit, kinsa kanunay andam magpataliwala kanato ngadto sa iyang Anak nga si Jesus,” ani ng obispo.
[Sa loob ng 72 taon, ang pamanang debosyon kay Mary Mediatrix nanatiling buhay at lumago sa dalawang henerasyon ng mananampalataya dito sa Digos. Magpapasalamat tayo sa biyaya ng ating buhay, kung saan magkakasama tayong naglalakbay dito sa mundo kasama ang Mahal na Ina na Reyna ng langit na laging nakahandang mamagitan tungo sa kanyang Anak na si Hesus.]
Ang parokya ay kabilang sa 21 parokya ng Diocese of Digos na pinangasiwaan ni Bishop Afable mula 2003 kasunod ni Bishop Generoso Camina, PME na nangasiwa mula nang maitatag ang diyosesis noong November 5, 1979.