2,725 total views
Tugunan ang mga suliranin na maaring magpataas muli sa inflation rate ng bansa.
Ito ang paalala ni Astro Del Castillo – Senior Economic Advisor ng Radio Veritas at Managing Director ng First Grade Financing Corporation matapos maitala sa 6.1-percent ang inflation rate sa nakaraang buwan ng Mayo 2023.
Tinukoy ni Del Castillo ang problema sa African Swine Fever, El Niño, prower at energy at iba pang natural na kalamidad na maaring maging ng muling pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
“Sana talaga ma-address yung concern na nabanggit natin kanina lalo na yung sa pagkain, sa power and energy and transport cost, malaking tulong ito sa pagbaba ng inflation kung talaga ma-address properly ng ating gobyerno,” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Del Castillo.
Inihayag ni Del Castillo na ang patuloy na pagbaba ng inflation rate ay malaking tulong para sa mga mahihirap at kabuoan ng ekonomiya.
“Ang Bangko Sentral ay hindi na maghihigpit ng mga interest rates, so ito ay maganda for business thinking na i-maintain nalang nila yung interest rate or pwede silang magbawas which is mas makakatulong sa business, so basically for the year ang tingin naman natin hopefully na mag taper off parin ang presyo ng mga bilihin,” bahagi pa ng panayam ni Del Castillo.
Mas mababa ang inflation rate na naitala noong Mayo kumpara sa 6.6% na datos noong Abril 2023.
Kaugnay nito, unang hinamon ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pamahalaan na pangunahan ang mga programa o hakbang na magpapababa sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.