286 total views
Kinondena ng Philippine Movement for Climate Justice ang patuloy na pagtanggap ng MERALCO ng enerhiya sa mga Coal Fired Power Plants.
Ayon kay Ian Rivera, National coordinator ng PMCJ, masyado nang madami ang mga planta sa Pilipinas at hindi na dapat itong dagdagan pa.
Iginiit ni Rivera na mas mura ang halaga ng kuryente kung renewable energy ang gagamitin na dapat tangkilikin ng pamahalaan.
“Sabi naming, hindi na talaga puwede ang gobyerno na i-accommodate pa ang mga coal fired power plants. That means na pumasok na dapat ang mga renewable energy duon sa pag-provide ng kuryente,”pahayag ni Rivera sa Radyo Veritas.
Bukod dito, ipinaalala din ni Rivera na dahil kabahagi na ang Pilipinas ng Paris Agreement ay kinakailangang tuparin nito ang ipinangako ng bansa sa international community na babawasan ang ibinubugang carbon ng bansa.
Ipinaalala ni Rivera na tungkulin ng pamahalaan na tulungan ang mamamayan na makakuha ng malinis at mas murang enerhiya na hindi nakasasama sa kalusugan ng tao at sa kalikasan.
“The Philippines, as already a signatory to Paris agreement, they are also binded with the 15°C (commitment in global temperature) then why are the government entertaining coal fired power plants? Pag-itutuloy pa ang mga coal plants na ito, it will lock us into coal… what we are fighting here is the right of the consumers from accessible, clean and affordable electricity,” dagdag pa ni Rivera.
Kamakailan, nagsampa ng kaso ang PMCJ sa Energy Regulatory Commission laban sa pitong Power Supply Applications sa Meralco kung saan ipinapanukala ang pagtatayo ng anim na bagong coal power plant projects,
at isang planta na kasalukuyan nang nagsasagawa ng operasyon.
Una nang nanawagan si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos na itigil na ang pagtatayo ng karagdagang planta sa Pilipinas dahil nasaksihan nito ang labis na pagkasira ng kalikasan at pagkakasakit ng mamamayan.
Read:
Rehabilitation sa mga nasirang kapaligiran, panawagan ng Obispo