Patuloy na panawagan para sa katarungan

SHARE THE TRUTH

 42,502 total views

Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte. 

Kuwento ng misis ni Luis, labinlimang pulis daw ang pumunta sa kanilang bahay. Nagulat na lamang sila nang biglang pumanhik sa kanilang bahay ang mga pulis na may mahahabang baril upang maghalughog. Naiwan sa itaas ng bahay sina Luis at Gabriel, at puwersahang pinababa ang ibang miyembro ng pamilya. 

Hindi kumbinsido ang hukom sa salaysay ng mga pulis na sinalubong sila ng mga bala nang dumating sila sa bahay ng mga Bonifacio. Hindi raw makatuwiran ang paliwanag ng mga pulis na dinidepensahan lamang nila ang kanilang sarili dahil sila mismo ang sumugod. Hindi rin daw tamang basta-basta na lang nagpapaputok ng baril ang mga pulis. Maituturing daw itong pagsasawalambahala sa mga inosenteng puwedeng madamay. 

Bagamat maituturing na tagumpay ang pagbababa ng hatol, dismayado pa rin ang pamilya Bonifacio at mga grupong katuwang nila sa pagkamit ng hustisya. Ipinetisyon ng pamilya sa Korte Suprema ang unang resolusyon ng Ombudsman na gawing apat lamang ang akusado sa kaso. Nais sana ng pamilyang mapanagot ang lahat ng pulis na sumugod sa kanila. Sa kasamaang palad, lumabas ang resulta ng petisyon noong Oktubre at hindi sila kinatigan ng Korte Suprema. Hindi rin ikinatuwa ng mga grupong tumutulong sa pamilya ang pagpapababa ng kaso sa homicide mula sa murder. Ayon sa Karapatan, isang human rights group, pang-apat pa lamang ito na nahatulan sa libu-libong kaso ng pagpatay sa war on drugs. 

Sa kabila nito, para kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patunay daw itong gumagana ang sistemang pangkatarungan sa bansa. Iginiit tuloy ng dating abogado ni dating Pangulong Duterte na si Atty. Salvador Panelo, hindi na raw kailangan pang makialam ng International Criminal Court dito. Pinuri din ni Secretary Remulla ang prosecutors ng DOJ sa pagsigurong mahahatulan ang mga pulis. Kinontra naman ito ng National Union of People’s Lawyers (o NUPL). Ang NUPL daw ang nangalap ng mga ebidensya, nagpresenta ng mga testigo, at nagpahukay sa labi ng mga biktima para ipa-re-autopsy. Wala raw silang tulong na natanggap mula sa mga pulis o prosecutors. Sa katunayan, tumestigo pa raw ang prosecutor ng gobyerno para sa mga akusado. Kaya naman, para sa Seceretary-General ng NUPL-NCR na si Atty. Kristina Conti, ang hatol na ito ay “exception more than the rule” at hindi raw maituturing na patunay ng gumaganang sistemang pangkatarungan sa bansa. 

Binibigyang-diin ng Catholic social teaching na Justicia in Mundo ang mahalagang papel ng Simbahan—kasama ang bawat mananampalataya—sa pagtatagyugod ng katarungan sa mundo. Bahagi ng tungkulin natin bilang mga tagasunod ni Hesus na manawagan at isulong ang katarungan dahil kaakibat ito ng pagdadala ng Mabuting Balita. Dapat nating protektahan ang dignidad ng buhay, kundenahin ang walang habas na pagyurak dito, at papanagutin ang sinumang lalapastangan dito. 

Kaya naman, maituturing na malaking hamon para sa atin ang pagpapanagot sa lahat ng may sala sa nagpapatuloy na war on drugs. Libu-libong buhay at dignidad ng tao ang isinantabi rito at hanggang ngayon, marami sa kanila ang patuloy na nananawagan para sa katarungan.

Mga Kapanalig, pinaaalala sa atin sa Mga Awit 33:4, “ang nais ng Diyos ay katwira’t katarungan.” Sundan natin ang nais ng Diyos. Maaari natin itong umpisahan sa pagtatanong kung tunay nga bang gumagana ang sistemang pagkatarungan sa bansa. Huwag tayong mapagod na magtanong, dumamay sa mga biktima ng kawalan ng katwiran sa ating bansa, at manawagan ng katarungan para sa kanila. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 10,331 total views

 10,331 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 14,310 total views

 14,310 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 25,202 total views

 25,202 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 37,644 total views

 37,644 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 48,411 total views

 48,411 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 10,332 total views

 10,332 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 14,311 total views

 14,311 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 25,203 total views

 25,203 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 37,645 total views

 37,645 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 48,412 total views

 48,412 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 47,233 total views

 47,233 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 46,778 total views

 46,778 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 49,002 total views

 49,002 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 41,853 total views

 41,853 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 47,721 total views

 47,721 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 51,467 total views

 51,467 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 57,417 total views

 57,417 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 37,604 total views

 37,604 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 48,723 total views

 48,723 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patatagin ang Pamilya

 70,089 total views

 70,089 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top