2,384 total views
Mariing kinundena ng Ecumenical Bishops Forum ang patuloy na red-tagging laban sa mga obispo, human rights defenders, at peace advocates.
Sa pahayag ng mga ‘religious group’ nagdudulot ng panganib sa buhay ng mga indibidwal at grupo ang patuloy na ginagawang pagpaparatang o red-tagging ng programang “Laban Kasama ng Bayan” ng SMNI ng mga TV host na sina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy.
Batid ng mga opisyal ng grupo na nais lamang sirain ng red-tagging ang hangaring isulong ang kabutihan sa pamayanan lalo na sa pagkamit ng kapayapaan sa lipunan.
“We vehemently denounce the bedeviling and outright irresponsible and malignment by SMNI television hosts [Jeffrey] Celiz and [Lorraine] Badoy. These malevolent acts of willfully spreading lies through their media platforms to serve their masters in high offices of the government only promote devastation, that endangers the lives of the very people that truly promote truth, justice, and peace,” ayon sa Ecumenical Bishops Forum.
Nanindigan ang grupo na naaayon sa misyon ni Hesus ang mga gawaing isinusulong ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na nanawagang ibalik ang usapang pangkapayapaan gayundin ang pagtataguyod sa karapatang pantao.
“The call for the resumption of the GRP-NDFP Peace talks is a Christian imperative with the end in view of resolving the roots of armed conflict and ushering just peace in our land. Bishop Alminaza’s call to peace-making and ministry is something that the people of the land needed. Therefore, it should be heard and heeded,” ani ng EBF.
Suportado ng ecumenical group si Bishop Alminaza kasabay ng paninindigang ipagpatuloy ng simbahan ang pagsusulong ng kapayapaan sa kabila ng mga natatanggap na banta at panganib sa kaligtasan.
“No amount of red-tagging and badmouthing will deter peace advocates to pursue the path that shall make for peace,” saad ng grupo.
Una nang nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang human rights groups at opisyal ng simbahan kay Bishop Alminaza kasunod ng red-tagging nina Celiz at Badoy ng SMNI.