Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paumanhin sa mga NGO at social workers

SHARE THE TRUTH

 207,813 total views

Mga Kapanalig, ang Ebanghelyo sa Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria, at San Lazaro ay madalas ginagamit na paalala tungkol sa paglalaan ng panahon para sa pakikinig sa Diyos (sa pamamagitan ng pagdarasal) sa gitna ng pagiging abalá natin sa araw-araw. 

Sa Lucas 10:38-42, matutunghayan natin si Santa Marta na abaláng-abalá sa pag-aasikaso kay Hesus na bumisita sa kanilang tahanan. Mababasa pa natin: “Lumapit siya kay Hesus at sinabi: ‘Panginoon, hindi ba mahalaga sa iyo na iwanan ako ng aking kapatid na naglilingkod na mag-isa? Sabihin mo nga sa kanya na tulungan ako.’ Sumagot si Hesus at sinabi sa kanya: Marta, Marta, ikaw ay nababalisa at nababagabag sa maraming mga bagay. Mayroong isang kinakailangan at pinili ni Maria ang mabuting bahagi na hindi makukuha sa kanya.”

Paanyaya ang pagbasang ito sa atin para bigyan ng puwang ang Panginoon sa ating buhay. Sapat na para sa Diyos ang anumang maibibigay natin sa Kanya. Ang mga laging nag-aalalá at nababalisâ ay tinatawag na umupo at mamahinga kasama Niya. Sa ganitong paraan, maririnig natin ang Kanyang mga salita at mararamdaman natin ang Kanyang pag-ibig at pagkalinga. 

Ngunit nakalulungkot na sa isang viral na video ng isa kong kabaro—isang pari—sinamahan ang mensaheng ito ng tila paghamak sa isang grupo o sektor. Kumalat kamakailan ang bahagi ng video ng pagninilay ng pari kung saan sinabi niyang kung tayo ay laging parang si Santa Marta, “wala tayong pinagkaiba sa mga social workers at NGO, gawa nang gawa pero walang puso.”

Napakabigat ng mga salitang ito; masakit pakinggan, kung hindi man nakagagalit. Kaya kasama ako sa mga buong kababaang-loob na humihingi ng paumanhin sa ating mga kapatid na naglilingkod sa mga NGO (o non-government organizations) at sa mga social workers. Binabalewala ng ganitong mga salita ang malaking kontribusyon ng mga NGO at social workers, hindi lamang sa pagpapabuti sa ating lipunan sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga dukha at mahihina. Bulag ang ganitong mga salita sa katotohanang katuwang sila ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita, ng pagsasakatuparan ng pangakong pagliligtas ng Diyos sa lahat. 

Kung hindi magiging mapanuri ang mga tagapakinig ng pagninilay na iyon, iisipin nilang lahat ng nasa mga NGO at mga social workers ay “walang puso.” Hindi ito totoo sa nakararami sa mga nasa sektor na ito. Bagamat hindi perpekto katulad ng ibang institusyon o larangan (na nasasangkot din sa katiwalian at umaabuso sa kanilang kapwa), hindi natin maikakaila ang malaki at mahalagang trabaho ng mga NGO at social workers. Hindi na nga kalakihan ang suweldong tinatanggap ng mga NGO workers at social workers at marami pang walang benepisyo dahil kapos din ang mga opisina nila, sila ang pumupuno sa mga pagkukulang ng gobyerno at maging ng Simbahan. Sila ang madalas lapitan ng mga inaapi, inaabuso, inaagawan ng lupa, pinalalayas sa kanilang tirahan, may malubhang sakit, at iba pang nangangailangan ng tulong. Sigurado rin akong marami sa mga nasa NGO at nagtatrabaho bilang social worker ay nasa larangang ito dahil sila ay may puso at tunay na isinasabuhay ang kanilang pananampalataya.

Minsan nang sinabi ni Pope Francis na ang Simbahan ay may dakila at magandang responsabilidad na panatilihing buháy ang ating pananampalataya. Ito ang katawan ni Kristo at ang sambayanan ng Diyos, hindi isang organisasyon, hindi isang NGO. Ito ang mismong dahilan kung bakit nakikipagtulungan ang Simbahan sa mga NGO at sa mga social workers para maabot ang mga maliliit, inaapi, at mahihina. Napakalaki ng pasasalamat ng Simbahan sa kanila.

Mga Kapanalig, humingi na ng paumanhin ang pari at tiniyak na may aral siyang natutunan sa nangyari. Hindi na ito dapat maulit.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

The Big One

 15,479 total views

 15,479 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 19,588 total views

 19,588 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Kagutuman

 36,171 total views

 36,171 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 57,278 total views

 57,278 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »

Ang lupa ay para sa lahat

 68,470 total views

 68,470 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 15,480 total views

 15,480 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 19,589 total views

 19,589 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 36,172 total views

 36,172 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 57,279 total views

 57,279 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 68,471 total views

 68,471 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 76,939 total views

 76,939 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 81,355 total views

 81,355 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 91,354 total views

 91,354 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 98,291 total views

 98,291 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 107,531 total views

 107,531 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 140,979 total views

 140,979 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 91,850 total views

 91,850 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 103,269 total views

 103,269 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 106,619 total views

 106,619 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 113,942 total views

 113,942 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top