173 total views
Umaasa si Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission na mapapanatili ng mga Filipinong Katoliko ang magandang tradisyon ng ‘pabasa’ na isang magandang pagpapakita ng kultura at pananampalataya ng mga Filipino tuwing Semana Santa.
Pagbabahagi ng Obispo, isa ang ‘pabasa’ sa mga espesyal at pambihirang tradisyon ng mga Filipino na mahalagang maipasa at matutunan rin ng mga bagong henerasyon upang maipagpatuloy.
“how I would like that the Filipinos could go back to the sacred scriptures in the old time there was a beautiful tradition of ‘pabasa’ I remember that when I was a kid in our neighborhood during this not only for the Holy Week but during the Kwaresma or the Lenten period people sing parts of the Bible starting from the Genesis that is I think found in all places in the Philippines Visayan region even in the Tagalog we have the ‘pabasa’ special melody special text…” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam sa Radyo Veritas.
Ang ‘pabasa’ ay ang paawit na pagbabasa ng mga deboto sa mahabang pasyon ni Hesukristo na nasa anyong patula at hango sa Bibliya ng mga Katoliko Romano.
Ayon sa kinaugalian, magdamag na isinasagawa ang ‘pabasa’, dapat na tuloy-tuloy at hindi maaring ihinto o tulugan.
Sa kasalukuyan, ilang mga kabataan na rin ang nagpapatuloy ng tradisyon ng ‘pabasa’ sa pamamagitan ng iba’t ibang istilo.
Sa tala ng National Statistics Office noong 2010, 80.6 na porsyento sa kabuuang populasyon ng bansa ay mga Katoliko.
Sa talang ito, matatagpuan sa Metro Manila ang 14 na porsyento ng mga Katoliko na tinatayang aabot sa 10 milyong indibidwal habang sa Cebu City naman na tinaguriang Cradle of Christianity o pinagmulan ng Katolisismo sa Pilipinas naitala ang higit sa 4 na milyong mga Katoliko na pinakamarami sa mga probinsya sa bansa.