248 total views
Pinaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na maging simple sa pagdiriwang ng kapaskuhan lalo na sa kaliwa’t kanang mga sales sa mga malls.
Ayon kay incoming Archbishop of Ozamiz, Bishop Martin Jumoad, kailangan maging masinop dahil mahirap ng magkakapatong – patong ang mga utang dahil lamang sa kalabisan ng mga binibiling bagay na hindi naman kailangan.
Pinayuhan rin nito ang mga mananampalataya na maging mature sa paggasta ng pera bagkus ay maging makabuluhan ang kapaskuhan kung maipapadama ito sa pagtulong sa mga nasalanta at nabiktima ng mga naapektuhan ng kalamidad.
“Kailangan simple lang and do not spend much because you save and you spend much and then mag – credit na naman. Hind yun maganda kaya dapat yung pananampalataya natin ma improve, ma – increase, kailangan sa ating spending be wise in spending because we do not know what will happen tomorrow. So attend mass, and repent and then be reconciled and see to it that we this Christmas we can give something to our neighbor that would become real converted believers of our Lord Jesus Christ and become wise spender,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na mula sa inilabas na pag – aaral ng Nielsen Media Research na 80 porsyento ng mahigit 100 populasyon ng bansa ang tumtungo sa mga shopping centers habang 36 na milyong Pilipino naman ang bumibisita sa mga plaza, isa o dalawang beses kada buwan.
Sa Southeast Asian country mayroong tatlo sa 10 malalaking pamilihang malls sa buong mundo ay matatagpuan sa Metro Manila.
Nauna na ring sinabi ng Kanyang Kabanalan Francisco na mainam na ipadama ang malasakit sa mga mahihirap lalo na ngayong ipinagdiriwang ang Hubilehiyo ng Awa.