382 total views
Ipagdiriwang ng lalawigan ng Misamis Occidental ang isa sa pinakamalaking pagtitipon- ang Pista ng Pangilin sa Payag (Feast of the Tent) bukas, ika-7 ng Oktubre.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ito ay isang pagdiriwang na nilalahukan ng lahat ng mga simbahan ng lalawigan.
Paliwanag ni Archbishop, ang kapistahang ito ay napapanahon dahil ito ay panawagan sa mga mananampalataya ng pagiging payak sa pamumuhay.
“Dito pala may celebration sila na ganyan, Pangilin sa Payag. It is a reminder of the people of Misamis Occidental, that our forefathers were people of simplicity, they live simply to care for the earth, the environment. And we have to follow our… the virtues of our fore fathers. I like this celebration because it is very relevant and very appropriate, calling people to be simple and also to have a sense of being neighbors to one another,” ayon kay Archbishop Jumoad.
Dagdag pa ng arsobispo, isa ring tampok sa Pista sa Payag ay ang paghahandog ng ‘Sugong’ na mula sa iba’t ibang simbahan na nilalagyan ng donasyon o pondo para sa mga pari na ginagamit sa kanilang pagpapagamot.
“One feature of Pangilin sa Payag, is their love for priest and they will offer ‘Sugong’. From month of September, the BEC’s they will transfer Sugong from one chapel to another and will offer it sa Pangilin sa Payag and the money raised will be for the health care of our priest,” dagdag pa ng Obispo.
Ang Sugong ay isang kawayan na ginagamit noon ng ating mga ninuno sa pag-iigib ng tubig.
Pangunahan ni Archbishop Jumoad ang misa na isasagawa sa Birhen ng Kotta sa Panguil Bay at si Archbishop Emeritus Jesus Dosado naman ang siyang magbibigay ng homiliya.
Ang Birhen ng Kotta ng Ozamiz ay itinayo noong 1755 ito ay tinatawag kilala rin bilang Nuestra Señora de Triunfo o Our Lady of Triumph at pinaniniwalaang milagrosa na kalimitang dinarayo ng mga pilgim tuwing ika-16 ng Hulyo at ika-8 ng Disyembre. Ito rin ay nagsisilbing gabay sa mangingisda ng Panguil Bay.
Si Archbishop Jumoad ay itinalagang arsobispo ng Ozamiz noong 2016 bilang kahalili ni Archbishop Dosado.
Ang arkidiyosesis ay binubuo ng 43 mga pari na nangangasiwa sa 22 parokya.
Ang lalawigan ay binubuo ng higit sa 600 libong populasyon na may 70 porsiyento ang mga Katoliko.