17,831 total views
Naging tampok sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , ang kasalukuyang ekonomiya ng bansa, kung saan ang inilatag na programa ng pamahalaan sa pagtulong sa mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura.
Kasama na rito ang pamamahagi ng certificate of land ownership award (CLOA) at certificate of condonation para sa mga benepisyaryong magsasaka.
Sa higit isang oras na talumpati ng Pangulong Marcos jr., nakatanggap ng higit na palakpak at ‘standing ovation’ ang kaniyang naging pahayag kaugnay sa paninindigan sa West Philippine Sea at ang tuluyang pagsasantabi ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Ipinag-utos ng pangulo sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagpapasara at pagpapatigil sa Pogo simula ngayong taon.
“Effective today, all POGOs are banned,” ayon sa pahayag ng Pangulong Marcos Jr.
Dagdag pa ng punong ehekutibo, “Disguising as legitimate entities, their operations have ventured into elicit areas furthest?? from gaming such as financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture, even murder. “
Sa kabila nito, sinabi ng pangulo na bagama’t hindi ito ang tugon sa lahat ng problema ng bansa, ngunit maraming problema ang magtatapos sa pagpasara ng POGO kabilang na ang financial scamming, money laundering, prostitusyon, human trafficking, kidnapping, brutal na pagpapahirap, at maging pagpatay.
“The grave abuse and great disrespect to our system of laws must stop. Kailangan nang itigil ang paggulo nito sa ating lipunan at panglalapastangan sa ating bansa,” giit pa ng pangulo.
Ayon sa Pangulo Marcos Jr., na upang malutas ang problema ng bansa, kinakailangan ang lahat ng opisyal, tagapagpatupad ng batas, manggagawa sa gobyerno, at mga mamamayan, ay maging mapagbantay, may prinsipyo, at isipin ang kapakanan ng bansa.
West Philippine Sea
“The Philippines cannot yield. The Philippines cannot waver.”
Ayon sa Pangulo, bagama’t nanatiling ang kapayapaan at community-building ang patuloy na isinusulong na polisiya ng gobyerno ay hindi maaring isuko ng bansa ang anumang bahagi ng teritoryo ng bansa.
“We are now more conscious as a people, and strategic in heightening our aerial and maritime domain awareness. We are continuing to strengthen our defense posture, both through developing self-reliance and through partnerships with like-minded states.” Ayon pa sa Pangulong Marcos.
Dagdag pa niya, “At ito ay mananatiling atin, hangga’t nag-aalab ang diwa ng ating mahal na bansang Pilipinas.
Pagtitibayin at palalaguin natin ang kamalayan at kaalaman ng buong bansa, at titiyaking mai-papasa natin ito sa ating kabataan at ating susunod na mga salinlahi.”
“Laws on our Maritime Zones and Archipelagic Sea Lanes will make sure that this intergenerational mandate — this duty — will firmly take root in the hearts and minds of our people.”
Ang pahayag ay sa gitna ng panggigipit ng China sa mga mangingisdang Filipino at mga sundalong tagapagtanggo ng Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo.
Dumating ang Pangulo Marcos Jr., sa Batasag Pambansa ganap na 3:33 ng hapon nang lumapag ang presidential chopper sa helli pad area ng House of Representatives.
At sinalubong sa holding area ng mga opisyal ng Kamara na sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ganap na 4:00 ng hapon nang makapasok sa plenaryo para sa kaniyang talumpati na umabot sa higit isang oras.
Si Blessie Mae Abagat ang umawit ng pambansang awit ng Pilipinas, habang naging kinatawan naman ng simbahang Katolikia si Bangued Bishop Leopoldo Jaucian para sa interreligious prayer.